26-Taong Gulang na Guro na Dating Naninirahan sa Tagpi-tagping Tahanan, Proud na Ibinahagi ang Kanyang Naipundar na 2-Storey House na Katas ng Kanyang Pagsusumikap

Kahit gaano man kahirap ang buhay na ating nararanasan, ito ay maaring magkaroon ng pagbabago, katulad ng kung noon ay naninirahan ka lamang sa isang tahanan na tagpi-tagpi, sa pagdaan ng panahon, ay maaring manirahan ka na sa tahanan na maari mong maipagmalaki dahil sa ganda at laki, at ito’y maaring maginglo na kung ikaw ay masika at pursigido na mabago ang estado ng iyong buhay.

Tunay na hindi lahat sa atin ay ipinanganak na maganda na agad ng tahanan o pamumuhay na kinagisnan, kung titingnan nga, ay tila na mas marami ang isinilang na kapos sa buhay at lumaki sa kahirapan. Sa kabila nito, marami naman sa atin ang nagpatunay na kahit na ikaw ay isinilang na mahirap, ay maari itong magbago, basta’t tuloy-tuloy lang ang pagsisikap para makamit anuman ang pinapangarap sa buhay na pagbabago.

Halimbawa na lamang nito ay puno ng inspirasyon na kuwento ng isang 26-taong gulang na guro, na kung saan sa Facebook community group page na Home Buddies, ay kanyang ibinahagi sa kung papaano ang dating tulad niya na naninirahan sa isang tagpi-tagping plywood na tahanan, ngayon ay mayroon ng napakagandang dalawang palapag na bahay.

“Share ko lang mga ka HB. Ito po yung isa sa mga magandang nangyari sakin sa 2022. I am 26 years old at isang guro. Noon tagpi tagpi lang na plywood ang bahay naming tapos yung cr namin gawa lang sa trapal na kung titingin ka sa taas ay langit na. Kaya nung naka-graduate ako ng college pinagarap ko po talaga na magkabahay kami kahit na di malaki basta kasya lang kami buong pamilya”, saad ng 26-taong gulang na guro na kinilalang si Vin Arcillo.

Base sa pagbabahagi ni Vin sa Home Buddies, siya ay lumaki sa tahanang tagpi-tagpi ng plywood at ang Cr ay trapal lamang, kaya naman dahil dito ay nagpursige siyang makatapos ng pag-aaral upang mabago ang estado ng kanilang buhay at mabigyan niya ng katuparan ang pangarap niyang kumportable at mas maayos na tahanan para sa kanyang pamilya.

Sa kanyang ibinahaging mga larawan sa Home Buddies, ay masisilayan sa mga unang larawan ang dati nilang tahanan, kung saan ay mababakas ang kahirapan dahil sa hitsura nito.

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Katulad ng ilan sa atin, si Vin ay isa sa mga nagpatunay na kapag ang isang tao ay masikap at talagang pursigido sa buhay, kahit gaano pa man ka imposible ang pangarap nito, ito ay maaring makamtan, dahil tulad ng marami sa atin, noon ay pinangarap lamang niya ang magkaroon ng maayos at kumportableng tahanan ang kanyang pamilya, ngunit ngayon ito ay unti-unti na niyang nabibigyan ng katuparan dahil sa kanyang determinasyon at pagsisikap.

“Ngayon ay unti-unti na pong natatapos ang munti naming bahay. Tuloy po kayo”, dagdag niya pang saad.

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Kung sa mga naunang larawan na kanyang ibinahagi ay masisilayan ang dati nilang tahanan na tagpi-tagping plywood, sa mga kasunod nitong larawan, ay masisilayan naman ang pagbabahagi niya ng unti-unti ng natatapos na napakagandang tahanan na naipundar niya para sa kanyang pamilya.

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Makikita sa larawan na ang tahanan na ito ay kongkreto at mayroong dalawang palapag. Mapapansin naman na tila ang tema ng tahanan nilang ito ay gray at white, dahil sa labas pa lamang ay kakikitaan na ito ng pintang gray at white, at pagpasok sa loob ay agad na bubungad ang living area, kung saan ang sofa ay nakukulayan ng kumbinasyon ng dark at light gray, at ang kurtina naman ay gray at white ang kulay.

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Ang dining area at kitchen area ay mapapansin na hindi ganun kalaki, ngunit ito ay may kaaya-ayang disenyo at may pagka-elegante ang dating lalo na’t gray at white din ang tema nito. Agaw-pansin naman sa tahanan na ito ang mga gold wall frame na nakasabit sa may wall sa hagdan.

Photo credits: Vin Arcillo | Facebook

Sa kabila naman na hindi pa tapos ang tahanan na ito nina Vin ay tunay na kanya na itong maipagmamalaki, lalo pa’t napakalayo na ng hitsura nito sa dati nilang tahanan, kung saan sa tahanan nilang ito ay bakas na ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *