Yassi Pressman Ipinasilip ang kanyang Rest House sa Canada na Kasalukuyan niyang Pinapaupahan sa mga Gustong Ma-Experience ang Napakagandang Lugar na ito Katabi ng Isang Lake

Kilala si Yassi Pressman hindi lamang bilang isang modelo, aktres, at magaling na dancer kundi bilang isang matagumpay na negosyante rin. Dahil dito, marami na ring naipundar na ari-arian ang aktres hindi lamang sa loob ng bansa kundi pati na rin sa ibang bansa. Isang halimbawa na nga rito ay ang rest house na naipatayo ni Yassi sa Ontario, Canada.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Walang duda na talagang maganda ang disenyo ng rest house na ito. Dagdag pa rito, makikita rin mula sa rest house ang napakagandang view ng isang lawa kaya naman talagang makakapag-enjoy si Yassi at ang kaniyang pamilya sa tuwing magbabakasyon sila rito. Dahil dito, minabuti rin nina Yassi na buksan sa publiko ang rest house na ito upang magkaroon ang kanilang mga bisita ng komportableng pamamalagi sa lugar.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Bukod dito ay ibinahagi rin ni Yassi sa kaniyang Instagram account ang ilan pang magagandang features ng rest house gaya na lamang ng cottage kung saan makikita ang magandang view ng lawa gayundin ang isang outdoor grilling station.

Sa sariling Instagram account naman ng rest house na ito na ibinahagi rin ni Yassi ay mas makikita ang mga napakagandang parte ng rest house.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Mapapansin din na mayroong dalawang palapag ang bahay kaya naman masasabi na kasyang-kasya rito ang isang pamilya o magbabarkada. Mayroon ding katamtamang laki ang bawat kwarto para sa mga bisita. Malaya rin namang makakapagluto ang mga ito sa napakalawak na kusina ng bahay.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Malaki rin ang dining space kaya naman kasyang-kasya rito ang ilang tao. Bukod sa nakakabilib na interior design ng bahay ay kamangha-mangha rin na matatanaw maging sa loob ng bahay ang kagandahan ng lawa.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Siniguro din ni Yassi na bukod sa iba’t ibang outdoor activities ay maaari ding magawa ng kanilang mga bisita ang iba pang mga gawain sa loob ng rest house.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Isa na nga rito ay ang inilaang espasyo sa loob ng rest house bilang working space upang magkaroon ng komportableng workcation experience ang kanilang guests. Maaari din nilang magamit ang games room at ang boathouse bilang workout station.

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Photo credits: Yassi Pressman | Instagram

Makikita ang iba pang litrato sa Instagram account ng rest house na Red Key Lakehouse. Makikita rin ang eksaktong lokasyon nito gayundin ang ilang detalye para sa mga nais bumisita rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *