Tahanan ng Mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na Matatagpuan sa Forbes Park, May napaka Ganda, Elegante at Aliwalas na Disenyo

Isa ang Forbes Park sa mga popular na village sa ating bansa, kung saan matatagpuan ang mga modern at naglalakihang tahanan na talaga namang hindi biro ang halaga. Hindi naman nakapagtataka na ilan sa ating mga kilalang politiko at sikat na artista ay naninirahan sa village na ito, dahil tunay namang may kakayanan sila na bumili ng tahanan sa nasabing village.

Ang mag-asawang sina Lucy Torres at Richard Gomez, na parehong showbiz personality noon ngunit mga politiko na ngayon ang isa sa mga kilala natin na naninirahan at mayroong napakagandang tahanan sa sikat na village na Forbes Park.

Kilala ng marami sa atin si Richard Gomez bilang isa sa mga dating mahusay at hunk actor noong kanyang kabataan, na ngayon ay isa nan gang politiko at nagsisilbing Mayor ng Ormoc City, samantala ang kanya namang maybahay na si Lucy Torres ay nagbibigay serbisyo din, bilang representative ng ikaapat na Distrito ng Leyte.

Dahil naman sa parehong abala ang mag-asawa na gampanan ang kanilang responsibilidad sa probinsya kung saan sila naihalal ay hindi sila madalas na mag-stay sa Maynila, at ito ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon silang mag-asawa na lumipat sa isang tahanan na mas madali nilang mauuwian, kung saan halos 10-minuto lang ang nagiging byahe nila. Isa pa din sa nagustuhan nila sa bago nilang tahanan na ito, ay ang pagkakaroon dito ng napakaraming tindahan ng pagkain.

Samantala, silipin naman natin sa mga larawan na ito ang bago at napaka-elaganteng tahanan ng mag-asawang Richard at Lucy na matatagpuan nsa Forbes Park.

Facade

Photo credits: realliving.ph.com

Façade pa lamang ng tahanan na ito ng mag-asawa ay tunay ng nakamamangha dahil sa pagiging isa nitong white house na may sleek black outline na siyang nagbigay dating dito ng pagiging elegante. Mapapansin din na napapalibutan ng mayayabong na punong-kahoy ang tahanan na ito ng mag-asawa, na siyang nagbigay ng nakakarelaks na kapaligiran dito.

Living Area

Photo credits: realliving.ph.com

Photo credits: realliving.ph.com

Photo credits: realliving.ph.com

Maging sa living area ng tahanan na ito ng mag-asawang Lucy at Richard ay bakas ang pagkahilig nila sa white, kung saan agad na mapapansin ang kanilang sofa na kulay white. Makikita din ang mga kumpotableng kagamitan sa bahagi na ito ng tahanan nila katulad na lamang ng mga nagagandahang artwork collection nila.

Dining Area

Photo credits: realliving.ph.com

Napakalawak naman ng dining area, kung saan ay masisilayan ang isang 10-seater dinner set n amula sa Dimensione. Mapapansin din ang isang buffet table sa may gilid na maaring paglagyan ng mga pagkain at dinnerware, kung mayroon mang okasyon ang pamilya.

Dining Nook

Photo credits: realliving.ph.com

Mula naman sa dining area, ay masisilayan ang isang comfy place kung saan saan tila napakasarap na kumain o magmeryenda sa bahaging ito ng tahanan dahil sa overlooking view nito ang labas at pumapasok din ang natural na liwanag dito dahil sa pagkakaroon nito ng binate na double-glazed.

Kitchen Area

Photo credits: realliving.ph.com

Photo credits: realliving.ph.com

Photo credits: realliving.ph.com

Dahil sa mahilig at mahusay na cook si Richard, ay sinigurado ng mag-asawa na ang tahanan nilang ito ay mayroong malapad at maaliwalas na kusina, kung saan makakagalaw ng maayos. Mapapansin din sa kitchen area ang white theme nito, at pagiging organized ng mga gamit sa loob ng cabinet at drawers na naririto.

Bedroom

Photo credits: realliving.ph.com

Bakas rin naman ang white theme sa master’s bedroom ng mag-asawang Lucy at Richard, samantala sa silid naman ng anak nilang si Julianna ay makikita ang isang comfy green couch, at ito ay mayroon dominating color tulad ng ibang bahagi ng kanilang tahanan.

Lanai

Photo credits: realliving.ph.com

Photo credits: realliving.ph.com

Madalas na may bisita ang pamilya, kaya naman hindi mawawala sa kanilang napakagandang tahanan na ito ang magkaroon ng outdoor nook na siyang nagsisilbing kanilang extended dining area, lalo na kapag mayroong ginanap na meeting o okasyon.

Pool Area

Photo credits: realliving.ph.com

Napaka-perfect naman ng pool sa outdoor area ng tahanan na ito ng pamilya dahil sa napakaganda at cozy na view nito. Maari ding ganapin dito ang isang pool party o malakihang pagdiriwang kasama ang mga kaibigan o kapamilya.

Tunay namang napaka-prepekto ng tahanan na ito ng mag-asawang Lucy at Richard, at marahil marami sa atin ang nakakuha ng iba pang ideya, lalo na sa mga nagnanais ng tahanan na mayroong white na tema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *