Sulyapan ang Simpleng Native House na Ito na Nakatirik sa Bukirin at Napapalibutan ng Luntiang Palayan

Silipin ang Simpleng Native House na Ito na Nakatirik sa Napakagandang Bukirin at Napapalibutan ng Luntiang Palayan

Marami sa atin, lalo na sa mga naninirahan sa lungsod ang nangangarap na magkaroon ng isang farm house, yung simpleng tahanan na nakatirik sa isang payapang lugar at napapalibutan ng mga magagandang tanawin na siyang magbibigay sa atin ng nakaka-relaks na pakiramdam. Tunay naman kasing napakasarap manirahan sa isang lugar na mala-paaraiso ang mga tanawing iyong matatanaw.

Samantala, isa din sa kaaya-aya sa pagkakaroon ng sariling bukirin ay ang maari kang makapagtanim sa lupain mo dito ng kahit anong halaman, o di kaya naman ay palay.

Maari ding mag-alaga ng iba’t ibang mga hayop. Kaya naman kung isa ka sa mayroon ng lupa sa bukirin na mayroong magandang tanawin at nais mo itong patayuan ng isang tahanan na magiging perpekto para rito, ay marahil magugustuhan mo native house na ibibida natin ngayon.

Ang simpleng native house na ito ay nakatirik sa isang bukirin, kung saan ito ay mayroong outdoors na may malawak na balcony.

Dahil naman sa malawak ang balcony nito ay maaring maglatag ng higaan lalo na kung nanaisin mong mag-relaks at lumanghap ng sariwang hangin habang tinatanaw ang nakapaligid ditong magandang tanawin.

Mapapansin naman na ang native house na ito ay maliit lamang, kung saan ito ay mayroong isang silid na maaring maging silid-tulugan, at balcony na maaring magsilbing sala o pahingahan din.

Ang kitchen area naman ng tahanan na ito ay katulad ng ilang mga tahanan sa rural area sa Asia, kung saan ito ay outdoor kitchen na tampok ang wooden sink at bamboo slats na siyang wall-perfecr para maging sabitan ng mga kagamitang pangluto, tulad ng kawali at kaserola.

Tunay namang napakaganda ng outdoor kitchen nito, dahil habang nagluluto, ay mae-enjoy mo din ang magandang tanawin ng farm.

Maliban sa kitchen ay nasa outdoor din ang toilet at bath area ng native farm house na ito.

Marami naman talaga ang maaring magawa kapag mayroon kang farm house sa iyong bukirin, dahil maliban sa pagtatanim ng mga halaman, ay maari ding mag-alaga ng mga hayop tulad ng manok at iba pa.

Ano ang masasabi mo sa tahanang ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *