Silipin ang Simple Ngunit Eleganteng Tahanan ni Slyvia Sanchez at Kanyang Pamilya sa Hilly Subdivision sa Quezon City

Dating naninirahan sa isang subdibisyon sa Ortigas City ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez at kanyang pamilya. Matatandaan naman na buwan ng Setyembre taong 2009 ng humagupit sa ilang bahagi ng ating bansa ang Bagyong Ondoy, kung saan ang Ortigas City ay isa sa mga lugar na talagang binayo ng malakas na ulan at hangin, at kabilang ang tahanan nina Sylvia na nasa subdibisyon ang talagang nasalanta at binaha.

Samantala, matapos ang hindi inaasahang pangyayari sa tahanan nina Sylvia sa Ortigas, ay kinailangan ngang maghanap ng pamilya ng panibagong tahanan, kung saan mas magiging ligtas sila kapag may mga sakuna tulad ng pagbaha.

Makalipas ang dalawang taon matapos na mangyari ang naturang sakuna sa dating tahanan ng pamilya, ay nakatagpo na sila ng lugar kung saan batid nilang panatag silang maninirahan, sapagkat batid nila na hindi sila aabutin ng baha, anumang malakas na bagyo at pagbaha ang dumating dahil sa ito’y nasa mataas na lugar.

Pagbabahagi ni Sylvia sa naging panayam sa kanya noon, siya at ang kanyang mister ay nagtulungan para sa kanilang panibagong tahanan. Saad niya, ang kanyang mister ang nagdisenyo at nagplano ng konstraksyon ng buong bahay, samantala pagdating naman pagdidisenyo at pagpili ng kagamitan sa loob nito ay siya naman ang nanguna.

Sa pag-aayos at pagiging hands-on niya sa disenyo ng kanilang tahanan na ito, ay na-achieve naman ng beteranang aktres ang isang simple, sopistikada, at mapang-anyaya na tahanan, kahit na nga wala siyang anuman ispisipikong tema na sinunod para sa interior ng tahanan nilang ito.

Para kay Sylvia, ang tahanan nilang ito ay isang napaka-perpekto para sa panibagong simula nilang magpamilya.

Halina naman at silipin natin ang ilan sa mga bahagi ng napakagandang tahanan na ito nina Sylvia Sanchez na matatagpuan sa isang Hilly Subdivision sa Quezon City.

Living Area

Mapapansin kaagad sa bahaging ito ang pagiging cozy, lalo na’t makikita dito ang iba’t ibang mga semi-abstract painting ng National Artist sa Visual Arts na si Arturo Luz.

Isa pa din sa kapansin-pansin sa living area, ay ang floor-to-ceiling shelves kung saan naka-display ang mga well-selected furniture pieces.

Dining Area

Napaka-inviting naman ng dining area ng tahanan na ito ng pamilya, sapagkat makikita dito ang kanilang 8-seater square table at tufted dining chairs.

Isa naman sa talagang mapapansin sa bahagi na ito, ay ang isang obra na tampok ang matapang na kulay. Mapapansin din sa may bandang gilid ang isang shelf na may mirror backing na may mga display na figurines.

Kitchen Area

Kaagad namang mapapansin ang pagiging open area ng kitchen, dividers o walls ang pumapagitan dito mula sa dining. Makikita din ang pagiging cream-colored ng countertop, at ang sapat na lagayan ng mga kagamitan.

Talaga namang napakalinis at organized ng bahaging ito ng tahanan ng beteranang aktres, lalo pa’t magagara ding kagamitan pang kusina ang naririto, tulad na lamang ng five burner cooktop na mayroong stailess rangehood, built-in oven at soft closing na cabinets at drawers.

Arjo’s Bedroom

Kitang-kita naman ang pagiging bachelor’s ng bedroom ng aktor na si Arjo Atayde, isa sa mga anak ni Sylvia Sanchez. Ang bedroom na ito ni Arjo ay nasa topmost level na bahagi ng tahanan. Mapapansin naman na ang mga kagamitan sa silid na ito ng aktor, ay nakukulayan ng gray, black at red.

Ria’s Bedroom

Hindi naman nalalayo ang hitsura ng silid ni Ria sa silid ni Arjo, kung saan halos pareho ang layouts nito.

Ayon kay Ria, ang kanyang kapatid ang gumaya sa kanyang pagkakaayos ng kanyang silid, na kapansin-pansin ang pagiging spacious at organize.

Veranda


Makikita ang veranda sa palapag ng tahanan kung nasaan ang bedroom ni Arjo, kaya naman ang aktor ang madalas na tumambay dito. Mapapansin naman ang pagiging tropical feel ng bahaging ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *