Silipin ang Pinterest-Inspired House na ito ng isang Pamilya na may Temang Puti at Kahoy, Kamangha-mangha din ang mga Kagamitan dito Dahil Halos Lahat ay Nabili Online

Sabi nga nila ang kagandahan ng isang tahanan ay hindi nababase sa laki nito, dahil kahit isang maliit o katamtaman sa laki na tahanan ay maaring maging maganda at pang mayaman ang dating, depende na lang sa magiging tema, ayos at mga kagamitan sa loob nito.

Sa ngayon isa sa mga temang patok sa mga homeowner ay ang temang puti at kahoy, at ang iba pa ay sinasamahan pa ito ng gold, para mas magmukhang elagante ang datingan. Isa din sa application na sikat ngayon, na kapupulutan ng napakaraming mga ideya pagdating sa iba’t ibang mga bagay, tulad ng pag-interior ng tahanan ay ang Pinterest.

Samantala, ang Home Buddies naman ang popular na Facebook community page kung saan marami sa atin ang nagbabahagi ng kanilang nagagandahang dream house, kalakip ang mga nakaka-inspire na kuwento sa kung papano nila ito natupad.

Napakarami na nating nakitang mga magagandang tahanan sa Home Buddies, at halos lahat naman talaga ay tunay na kamangha-mangha ang ganda, malaki o maliit man ito. Mayroong mga tahanan na ang tema ay nakabase sa kulay na kanilang kinahiligan, at mayroon naman na sumunod sa uso na mga tema, tulad na lamang nga ng temang kahoy at puti.

Halimbawa na lamang nito ay ang tahanan na ibibida natin ngayon. Isang tahanan na hindi man kalakihan ay mapapangha naman ang sinoman dahil sa napaka-elegante at sopistakada nitong interior design. Ilan sa mga kuhang larawan sa tahanan na ito ay ibinahagi ng homeowner nito sa Home Buddies.

“Hi mga ka-HB! May mga Team Puti and Team Kahoy po ba dito?

“Sharing our Home Buddies and Pinterest-inspired interior design. Special thanks to our contractor, Sir Edward Cipriano and his team who made this possible and even exceeded our expectations”, saad ng homeowner ng naturang tahanan sa kanyang caption kalakip ang mga larawan ng napakaganda nilang tahanan.

Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi ang isang tahanan na hindi man kalakihan ay mayroong namang napakaganda at nakamamanghang interior design. Pagpasok sa main door ay agad na bubungad ang pagiging maaliwalas ng tahanan dahil sa kulay puti na pinta ng mga dingding nito, idagdag pa ang maypagka-puti din nitong floor tiles.

Mapapansin na hindi ganun kalaki ang living area, dahil tanging isang 3-seater sofa at telebisyon lamang ang naririto, para na rin ma-maximize ang space nito.

Open din ang tahanan na ito, dahil walang anumang pagitan sa living area at dining, kung saan sa dining area nito ay masisilayan ang maliit na lames ana may temang kahoy at puti, na mayroon lamang dalawang upuan. Isa sa mga dekorasyon sa dining area ay ang mga salamin na nasa dingding nito, na naging isa sa mga budol noon sa Home Buddies.

Sa may bandang gilid naman ng dining area ang kitchen area, at ang nakapagitan sa mga ito ay ang counter na mayroong dalawang stool chair.

Hindi din ganun kalawak ang kitchen area, ngunit mapapansin na na-maximize ang space nito dahil sa modular built-in cabinets na inilagay rito, kung saan nakatago ang mga kitchenwares. Mababakas din magmula sa mga kagamitan at pinta na makiita dito ang pagiging temang kahoy at puti.

Kapansin-pansin naman ang pintuan na may magandang disenyo sa may kitchen area, kung saan ito ay patungo sa parking area. Makikita naman ang hagdanan na may tema ring puti at kahoy, at napakagandang disenyo ng railings, na mayroon pa ngang lagayan ng display, tulad ng mga picture frame.

Ang tahanan ding ito ay mayroong mini laundry area at ang tunay na hahangaan din dito ay ang napakagandang disento at lightening ng kisame nito.

Ayon naman sa homeowner ng tahanan na ito ang contractor na si Edward Cipriano at buong team nito ang nag-ayos at nagpaganda ng kanilang tahanan, na labis nilang nagustuhan dahil sa ang resulta ay talaga namang nalampasan ang expectations nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *