Silipin ang Napakagandang Bahay ni Sharon Cuneta na Tinawag niyang “The Fortress” na Matatagpuan sa Mandaluyong City

Mahalaga para sa sinuman ang pagkakaroon ng isang tahanan kung saan maaari silang komportableng mamalagi matapos ang mahabang oras na pagtatrabaho sa maingay na syudad. Hindi nga naiiba ang kilalang aktres na si Sharon Cuneta.

Dahil sa kaniyang napakaraming trabaho, hindi na nakapagtataka na kumuha siya ng isang tahanan kung saan siya tahimik na makakapagpahinga. Makikita nga ang mansyon na ito sa Mandaluyong at ngayon ay tinatawag ito ng mga malalapit na kaibigan ng aktres na “The Fortress”.

Photo credits: realliving.com.ph

Talaga nga namang perpekto ang pangalang ito para sa bahay na ito lalo na at mayroon itong dalawang palapag, dalawang living room, at air-conditioned kennels para sa kanilang mga alagang hayop.

Photo credits: realliving.com.ph

Sa foyer ay mapapansin ang wood theme ng lugar. Sasalubong rin agad ang kakaibang mga dekorasyon ng bahay gaya na lamang ng bamboo curtains, mga antique na mwebles, at ang napakaraming mga artworks na nagmula pa sa loob at labas ng bansa.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Ang unang living room naman ng bahay ay ginagamit ng kanilang pamilya bilang receiving area para sa kanilang mga bisita. Mayroon itong brown at neutral na mga kulay. Ibang-iba ito sa pangalawang living room na mayroong pulang kulay.

Photo credits: realliving.com.ph

Mula rin sa parteng ito ng bahay ay makikita ang dining area na perpekto para sa kanilang pamilya at para sa ilan pang karagdagang bisita. Mapapansin din ang ilang mwebles dito na imported pa mula sa ibang bansa. Bukod dito, isa rin sa gustong-gustong silid ni Sharon ay ang kusina.

Photo credits: realliving.com.ph

Hindi rin naman ito nakapagtataka dahil bukod sa malawak na espasyo ay kumpleto rin ito sa mga kagamitan at appliances. Isang halimbawa rito ay ang dumbwaiter na ginagamit upang maiakyat ang iba’t ibang pagkain mula sa kusina.

Photo credits: realliving.com.ph

Walang duda na talagang elegante ang itsura ng loob ng mansyong ito ngunit napakaganda rin ng mga amenities na makikita sa labas ng tahanan. Mapapansin nga ang swimming pool sa parteng ito ng bahay na perpekto para sa kanilang pamilya o kaya naman ay para sa kanilang mga bisita.

 

Photo credits: realliving.com.ph

Mayroon ding iba’t ibang mga upuan sa poolside. Bukod dito, maaari ding makapagpahinga o makapagmuni-muni ang aktres sa kanilang outdoor pathway na napalilibutan ng mga kawayan.

Photo credits: realliving.com.ph

Hindi maitatangi na sobrang komportableng naninirahan ang pamilya ni Sharon Cuneta sa mansion nilang ito dahil sa napakagandang disenyo at nakaka goodvibes na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *