Silipin ang Napakaganda at Nakakarelaks na Tiny House by the Beach na Ito sa Eastern Samar, Ang Balay Guti Beach House na Naipatayo sa Halagang Php1.5M

Isa na namang tiny house ang ibinida ng YouTube channel na OG, kung saan isa na naman ito sa mga panibagong lugar na maaring dayuhin para pagbakasyunan.
Ang tiny house na ito ay ang Balay Guti Beach House na matatagpuan sa Sulat, Eastern Samar, at ito ay pagmamay-ari ng pamilya ni Engr. Jess.

Sa OG ay ipinagmalaking ipinasilip ni Engr. Jess ang Balay Guti Beach House, na ayon sa kanya ay naisipan nilang ipatayo ng kanyang misis na si Lyra noong kasagsagang ng pandemya, dahil sa kanilang mga magulang. Pagbabahagi niya, ang mga magulang nila ay mas narerelaks kapag nagtutungo sa may beach front. Saad pa niya, nakuha niya ang ideyang tiny house, dahil na din sa pagkahilig niya sa panonood ng mga tiny houses sa social media.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Pagbabahagi ni Engr. Jess, ang talagang naging inspirasyon nila ay ang magpatayo ng container van tiny house, ngunit dahil sa hindi biro ang halaga ng pag-deliver nito mula sa Metro Cebu o Metro Manila, ay nagpasya na lamang sila nag awing kongkreto na gawa sa hallow blocks at steel ang kanilang pangarap na tiny house.

Ipinasilip niya din ang loob ng kanilang napakagandang tiny house, na ayon pa kay Engr. Jess ay mayroong sukat na 3×8 meters. Ang tiny house na ito ng Balay Guti Beach house ay mayroong maliit na living area at kitchen area, ngunit ito ay kumpleto sa mga pangunahing kagamitan.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Sa living area ay mayroong sofa, tv rack, at telebisyon, samantala sa kitchen area naman ay mayroong refrigerator, oven, double burner at built-in cabinet.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Ayon kay Engr. Jess, ikinunsidera nila sa Tiny house nilang ito na pagpasok sa main door, kung saan isang sliding glass door, ay kusina na agad ang bubungad, kaya naman para mas maging maganda ito tingnan at hindi nakakasawa, ay gumamit sila dito ng matsuka tiles. Mayroon namang dalawang bedroom, at katamtaman sa laking comfort room ang tiny house nilang ito.

Isa naman sa mga mae-enjoy sa Balay Guti ay ang kanilang mini-swimming pool, at ang bon fire area.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Ibinahagi din ni Engr. Jess na ang pinaka-goal nila sa pagbuo ng Balay Guti Beach House ay para maging retirement home ito ng kanyang mga magulang.
Isa naman umano sa mga paboritong bahagi nila ng kanyang pamilya sa Balay Guti ay ang Lanai Area, ito ay dahil sa pagiging accessible nito, dahil sa halos lahat ng tanawin sa labas ay natatanaw mula rito, tulad na lamang ng natural rock formation ng Liam beach ganun din ang mga anak nila kapag nagsi-swimming ang mga ito sa kanilangmini-swimming pool.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Nasa isang hektarya ang pinakalupain nina Engr. Jess at ang pinaka bakuran kung saan nakatayo ang Balay Guti Beach House ay naka-fence at may sukat na 500 sqm, at ang pinaka-house floor area ng tiny house nila ay nasa 30sqm meter.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Photo credits: OG | Youtube Channel

Umabot naman umano sa 1.5 milyon ang nagastos nila sa pagbuo ng kanilang tiny house.

Photo credits: OG | Youtube Channel

Sa mga nagnanais na magbakasyon at pasyalan ang napakaganda at nakakarelaks na vacation tiny house na ito nina Engr. Jess, ay maari silang ma-contact sa kanilang Facebook page ang Balay Guti Beach House.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *