Silipin ang Napakaganda at Moderno na Bahay na ito na Naitayo sa 40 sqm na Lote

Napatunayan na ng marami kung ano ang kayang gawin ng pagiging madiskarte at malikhain lalo na sa pag-abot ng ating mga inaasam sa buhay. Posible rin ito maging sa pagpapatayo ng isang bahay kung saan mayroon lamang tayong limitadong budget o kaya naman ay maliit na sukat ng property.

Ito nga ang ginawa ng isang contractor na nagngangalang Edward Cipriano kung saan nagawa niya at ng kaniyang team na magtayo ng isang eleganteng tahanan sa isang 40 sqm. na lote. Wala namang duda na isang hamon ang proyektong ito para sa kanila ngunit dahil sa napakagandang resulta ay ibinahagi nila ito sa isang Facebook group na Home Buddies.

Kung iisipin ay maaaring masabi na kakaunti lamang ang pwedeng magawa rito gaya na lamang ng paglalagay ng isang simpleng living area, kusina, dining space, comfort room, at ilang kwarto ngunit mas hinigitan pa nina Edward ang ekspektasyon ng kanilang kliyente. Moderno ang disenyo ng bahay na ito at mayroong puting kulay ang gate at exterior ng bahay.

Mayroon ding bricks na nagiging agaw-atensyon sa exterior. Upang maging maliwanag naman sa labas ng bahay tuwing gabi ay naglagay sina Edward ng outdoor lights sa iba’t ibang parte ng gate. Dagdag pa rito ay makikita rin ang inilaan na espasyo para sa isang garahe.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Sa loob naman ng mismong bahay ay makikita ang living room na mayroong simpleng couch, telebisyon, at ilang mga palamuti. Sa isang gawi naman ng bahay ay ang kusina at dining space. Dahil nga sa limitadong espasyo ng bahay ay naglagay sila ng isang counter table na para sa paghahanda ng pagkain at ginagamit din bilang isang dining table.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Mayroon ding sapat na storage space sa L-shaped na counter sa kusina gayundin sa mga floating cabinets dito. Ang mga wine, inumin, at maging ang ilang mga appliances naman ay makikita sa ilalim ng hagdan. Nakakadagdag naman sa pagiging elegante ng bahay ang mga kakaibang mga ilaw na inilagay dito.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Kumpara naman sa ibang bahay ay mayroong malawak na sukat ang comfort room ng bahay na ito. Bukod sa toilet at shower ay mayroon din itong sink, bathtub, at karagdagang mga storage racks para sa kanilang mga toiletries.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Bagamat may sapat na espasyo ang comfort room na ito ay kapansin-pansin naman ang kaliitan ng sukat ng mga kwarto. Mayroon lamang itong mga kabinet, kama para sa isa hanggang dalawang tao, at simpleng balcony.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Talagang kahanga-hanga ang naging resulta ng proyektong ito ni Edward. Siguradong magiging masaya at kuntento rito ang kanilang mga kliyente.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *