Silipin ang Napakaganda at Kakaibang L-shaped Farm House na ito na may Rustic at Industrial na Panloob na Disenyo

Natural lamang sa mga designer ng mga tahanan na iayon ang disenyo ng isang bahay sa lokasyon nito. Ito ay upang maging komportable ang mga maninirahan sa bahay na ito at upang maging kuntento rin sila sa itsura ng kanilang tahanan. Isang halimbawa rito ay ang modernong farmhouse na makikita sa napakagandang lokasyon na ito.

Mayroong tatlong kwarto at comfort room ang bahay na ito. Makikita rin na open ang disenyo ng bahay dahil sa mga glass panels na nakapalibot dito. Perpekto ang pagpili ng materyales na ito dahil nakatutulong ito upang maging maliwanag at maaliwalas ang buong bahay sa buong magdamag. Bukod pa rito, maaari ding makita ng mga homeowners mula sa loob ng tahanan ang napakagandang view ng kanilang kugar.

Dagdag pa sa mga materyales na ginamit, napakaganda rin ng naging architectural design ng bahay. Malayo pa lamang ay mapapansin nang hango ito sa isang farmhouse. Talagang perpekto rin ito sa lokasyon ng property na ito.

Sa labas ng farmhouse ay makikita ang ilang upuan at mesa na gawa rin sa kahoy. Sa loob naman ng bahay ay makikita ang mistulang industriyal na interior design nito. Mayroon ding open layout ang living room, dining space, at kusina ng bahay. Karamihan naman sa mga mwebles ng mga silid na ito ay gawa sa kahoy gaya na lamang ng coffee table, dining table, mga kabinet, at floating shelves.

Mula naman sa common spaces na ito ay mapapansin ang isang napakalaking sliding glass door na nagsisilbing partisyon ng parteng ito at ng isang bedroom. Makikita rito ang isang hanging bed at mga dingding na napalilibutan ng mga glass windows.

Ang pangalawang kwarto naman ay mas pribado dahil sa mga dingding na nakapalibot dito. Kaiba naman sa unang kwarto ay mayroong glass door ang kwarto na ito. Kung ang dalawang kwarto ay mayroong malawak na sukat, kapansin-pansing may kaliitan ang ikatlong kwarto.

 

Sa kabila nito, kasyang-kasya pa rin ang dalawang tao sa dalawang magkahiwalay na kama rito.

Gaya naman ng mga kwartong ito gayundin ng mga common spaces ay mayroong rustic na disenyo ang dalawang bathroom ng bahay.

Talagang kakaiba at napakaganda ng disenyo na ito na maaari ding magamit bilang inspirasyon ng ibang homeowners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *