Silipin ang Napaka Sopistikadong 3-Storey House ni Bea Alonzo sa Quezon City, Katas ng Kanyang mga Pinagpaguran

Batid niyo ba ang isa sa mga pinakahinahangaan nating aktres na si Bea Alonzo na bumida sa Star Cinema Film na “One More Chance” ay anim na taon munang nanirahan sa condo, bago niya natupad ang pangarap niyang tahanan. Talaga namang puspusan ang ginawang pagsusumikap at pagtatrabaho ni Bea bilang isang aktres sa industriya ng showbiz para mabigyan niya ng katuparan ang mga bagay na noon ay pinapangarap lamang niya, isa na dito ang kanyang dream house na halos ilang taon din niyang pinagtrabahuan para mabuo niya ito.

Narito naman at silipin natin ang naipundar na napakaganda at Sopistikadang 3-Storey Home ni Bea Alonzo.

Façade

Labas pa lamang ng tahanan ni Bea ay agad ng mapapansin ang pagiging secure nito sa mga masasamang loo, dahil sa pagkakaroon nito ng kahanga-hanga at grandeng steel gates at fences na mayroong electrical wires. Makikita din ang kagandahan ng labas ng tahanan ng aktres at ang pagkamoderno nito.

Living Area

Kaagad na mapapansin sa living area ng tahanan ni Bea ang isang necklace-type chandelier, na ayon sa ilang mga ulat ay mula sa Shop InStyle. Agaw-pansin din sa bahagi na ito ng tahanan ang abstract painting na likha ng National Artist ng Visual Arts na si Arturo Luz. Makikita din sa living area ang isang grand piano, ang cowhide rug na mula sa Bo Concept at ang all-white sofa set na mula naman sa Origins Home Furniture.

Powder Room

Kaaya -aya naman ang powder room sa tahanan na ito ng Kapuso actress, kung saan pagpasok dito ay agad na kukuha ng atensyon ang carved mirror, ganun din ang gold mosaic tiles nito na nagbigay ng kinang at ganda sa bahagi na ito.

Hallway

Bago makarating sa formal living room ng tahanan na ito ni Bea, ay isang short passage muna ang babaybayin. Makikita na ang dingding sa may hallway ay inlaid ng mosaic tiles na mother-of-pearl na mula umano sa HM Trading Philippines.

Dining area

Isang 10-seater dining table na mayroong upholstered na upuan mula sa Origin Homes Furniture naman ang makikita sa dining area, na siyang nagbigay ng eleganteng dating dito. Mapapansin naman sa taas ng dining area ang mala-kristales na chandelier na mula naman kay Victoria Mondiale.

Kitchen

Dahil sa cook lover si Bea, ay makikita sa kitchen area ang mga magagarbong kitchen appliances, tulad ng rangehood, glass-ceramic cooktop, built-in microwave at convection oven, espresso machine, ice cream maker at marami pang iba. Tulad din ng ibang kitchen ng celebrity, ay mayroon ding wall-mounted flat -screen TV sa kitchen area ng aktres. Mapapansin din ang breakfast nook sa may bahagi ng kitchen area.

Home Office

Sa loob ng kanyang tahanan, isa ang kanyang home office sa pinakapaborito ni Bea, at ito ay matatagpuan sa ground floor. Makikita sa larawan na mayroong old-meets-new motif ang home office na ito ng aktres, at masisilayan din dito ang kanyang mga personal na kagamitan tulad ng desktop computer.

Walk-in Closet

Ayon kay Bea ang kanyang walk-in closet ay naglalaman lamang ng lahat ng kanyang mga damit, samantala ang mga sapatos at bags niya naman na madalas niyang ginagamit sa trabaho ay nakahiwalay at ito ay nasa kabilang silid. Makikita naman ang pagiging organize ng mga bags collection ng aktres, kung saan ilan sa mga ito ay Gucci, Prada, Chanel at iba pang mga mamahaling bags at sapatos.

Entertainment Room

Ito ang pinakamalaking silid sa ikatlong palapag ng tahanan ng aktres, kung saan ayon kay Bea ay ito ang paborito nilang tambayan ng kanyang pamilya at itinuturing niyang kanilang pangalawang living room.

Master Bathroom

Talaga namang bakas ang pagiging elegante at magarbo ng master’s bedroom ni Bea, kung saan ang kanyng claw-foot bath tub ay makikita. Mapapansin din ang pagiging malawak nito, kung saan nakahiwalay ang shower area, sink area, toilet area at bath tub area. Maliban pa sa Master bathroom ay mayroon ding Sauna room ang aktres sa tahanan niyang ito.

Master Bedroom

Custom made queen-sized headboard ang nagiging pahingaan ni Bea sa kanyang master bedroom. Tulad naman ng ibang bahagi ng tahanan, ay maroon ding napakagandang chandelier ang silid-tulugan niyang ito na mula rin umano sa Victoria Mondiale.

Sauna

Mayroon din sariling sauna area si Bea sa kanyang bahay dahil hiling nitong mag papawis at mag detox.

Pool Area

Ang bahagi na ito ng tahanan ng aktres ang madalas na ginagapan ng party at get-together dahil sa pagiging inviting at cozy nito. Isa sa nagpapaganda sa Pool area ang three earth colors na makikita dito, ang blue pool, green grass at brown column at shingles.

Kamangha-mangha naman talaga ang tahanan na ito na naipundar ng aktres, at masasabi natin na deserve niya talaga ito dahil nakita naman natin na ito ay talagang kanyang pinagtrabahuan ng ilang taon sa industriya ng showbiz.

Matatandaan na sa panayam noon ng PEP.ph kay Bea, ay kanyang ibinahagi ang kasiyahan na naramdaman niya ng ma-fulfill niya ang pangarap niyang dream house.

“It was hard for me the first year, ano. Kasi siyempre medyo nagugulat ka na ikaw iyong nagbabayad ng kuryente, ikaw yung nag-aayos ng madumi mong damit”, ani Bea.

Dagdag pa niya, “’It was fun, scary and exciting all wrapped in one.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *