Silipin ang Naipundar na Napakagandang Bachelor Pad ni Dingdong Dantes Noon na Katas ng Kanyang mga Pinagpaguran sa Pag Aartista

Marami na sa mga matagumpay na aktor ang nagpapatayo ng kanilang sariling tahanan na bunga ng kanilang pagsisikap. Isa na nga rito si Dingdong Dantes na nagkaroon ng matagumpay na karera sa showbiz bago pa man siya magkaroon ng pamilya sa kaniyang asawang si Marian Rivera.

Makikita sa karamihang mga bachelor pad ang minimalist na tema ngunit sa exterior pa lamang ng bahay ni Dingdong ay makikita na agad ang Asian-inspired na tema nito.

Photo credits: realliving.com.ph

Kapansin-pansin nga ito sa mga materyales na gawa sa kahoy gayundin sa kakaibang hugis ng bubong nito. Bagamat ganito ang tema ng bahay ay kakikitaan pa rin ito ng mga modernong elemento gaya na lamang ng glass windows na nakapalibot sa bahay.

Photo credits: realliving.com.ph

Bukod dito, hindi rin pinalagpas ng aktor ang pagkakataon na magkaroon ng mga customized na mga kagamitan sa tulong ng mga lokal na artists. Isang halimbawa na nga rito ay ang kaniyang main door na gawa ni Agi Pagkatipunan at mayroong initials ng kaniyang pangalan.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Pagdating naman sa living area ay mapapansin ang modernong disenyo ng mga ilaw na nakatutulong upang maging komportable si Dingdong at ang kaniyang pamilya o mga bisita.

Photo credits: realliving.com.ph

Dagdag pa rito, mapapansin din ang simple ngunit mamahaling mga mwebles sa silid na mula pa sa mga high-end na furniture shops sa bansa. Mula naman dito ay mapupuntahan ang dining area, kusina, at bar.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita pa rin ang parehong tema ng bahay sa mga silid na ito ngunit gaya ng karaniwang bachelor pads ay makikita ang koleksyon ng mga kinahihiligang kagamitan at action figures ng aktor sa bahay na ito, partikular na sa bar. Dahil dito, bukod sa iba’t ibang inumin ay maaari ding makita ni Dingdong at ng kaniyang mga kaibigan ang koleksyong ito.

Photo credits: realliving.com.ph

Ipinasilip din ni Dingdong ang isang powder room ng bahay na kumpara sa ibang silid ay mayroong mas masculine na disenyo ngunit maging sa silid na ito ay hindi pa rin mawawala ang iba’t ibang artworks na nagustuhan ng aktor.

Photo credits: realliving.com.ph

Pagdating naman sa master’s bedroom ay mapapansin pa rin ang simple ngunit masculine at eleganteng tema at mga dekorasyon.

Photo credits: realliving.com.ph

Hindi rin nakalimutan ng aktor na ibahagi ang outdoor spaces ng kaniyang property na perpekto para sa salo-salo ng kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Talaga nga namang bukod sa napakagandang interiors ng bahay na ito ay siguradong mag-eenjoy din ang sinuman sa gazebo at seating area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *