Silipin ang Modern Bahay Kubo na Ito na Naitayo sa Halagang Php47,000 Lamang

Sa panahon ngayon, ang pagpapatayo ng isang tahanan ay nangangailangan ng malaking halaga. Kung minsan nga ay umaabot pa sa milyon-milyong piso ang nagagastos para lamang magkaroon ng isang magarang tahanan.

Sa kabila nito, pinatunayan ng homeowners ng bahay na ito na maaaring magkaroon pa rin ng disenteng tahanan para sa isang indibidwal o maliit na pamilya gamit ang mas maliit na halaga lamang.

Gaya ng mga pangkaraniwang modernong bahay kubo ngayon, hindi na nauuso ang paggamit ng kahoy bilang materyales sa paggawa ng pundasyon ng mga bahay kubo.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Sa halip, konkreto ang mga materyales na ginamit para dito upang masiguro na talagang matibay ang istruktura ng bahay. Pagdating naman sa dingding ng bahay ay gumamit ng amakan ang mga homeowners na talaga namang usong-uso bilang materyales at dekorasyon ng mga bahay ngayon, malaki man o maliit.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Upang magkaroon naman ng karagdagang proteksyon ang pamilya na maninirahan sa loob ng bahay ay naglagay rin sila ng plywood sa loob ng bahay.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

At dahil mayroong maliit na sukat ang bahay ay talagang perpekto rito ang studio-style na floor plan. Sa floor plan nga na ito ay mayroon nang simpleng living room ang homeowner na maaari niya ring magamit bilang pahingahan.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Sa halip na isang sala set ay maaari siyang maglagay ng isang sofa bed dito. Pwedeng-pwede rin namang gumamit ng mga mesa na magagamit bilang dining table o kaya naman ay working space.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Upang maging organisado naman ang lugar sa kabila ng limitadong espasyo nito ay makikitang nakapaglagay rin ang mga homeowners ng ilang kabinet. Ngunit kung nais naman nilang mas makatipid pa sa espasyo ay maaari din silang maglagay ng mga floating kabinet.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Totoong ang mga tahanan katulad na lamang nito na mayroong limitadong sukat ay talagang susubok sa ating pagkamalikhain lalo na kung nais nating magkaroon ng komportableng espasyo ang buong pamilya.

Photo credits: AwesomePhilippines | Facebook Group

Bukod sa madiskarteng pagkakaayos ng mga kagamitan at iba’t ibang mwebles sa loob ng bahay ay nakakabilib rin na naipatayo nila ang lahat ng ito sa halagang PhP47,000 lamang. Talaga nga namang malayo ang mararating ng halagang ito at ng maliit na espasyo ng lugar basta’t paiiralin lamang ang pagiging madiskarte at malikhain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *