Silipin ang 2,000 sqm Tropical-Inspired Dream Home ni Coco Martin sa Quezon City

Marami sa mga sikat at matagumpay na artista ang nagmamay-ari ng naglalakihan at naggagandahang mga mansyon sa loob at labas ng bansa. Isa na nga rito si Coco Martin na kilala bilang isa sa mga pinakatanyag na aktor ng kasalukuyang henerasyon. Bukod sa kaniyang talento ay ipinagmamalaki rin niya ang kaniyang 2,000 square meter na property sa isang eksklusibong subdivision sa Quezon City.

Hindi rin naman ito nakapagtataka dahil ayon nga sa aktor ay isa ito sa napakaraming bunga ng kaniyang pagsisikap at pagtatrabaho ng ilang taon sa showbiz.
Sa landscape pa lamang at façade ng bahay ay talagang agaw-pansin na ang property na ito ni Coco.

Photo credits: realliving.com.ph

Mayroon itong cream at neutral na mga kulay at napalilibutan din ng iba’t ibang mga halaman. Makikita rin ang main door bago pa man makapasok sa mismong bahay. Kapansin-pansin dito ang mga naka-ukit na isda na pinasadya ni Coco sa National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Asia Imao. Bukod dito ay makikita rin ang iba pang mga metal artworks na obra ni Miguel Aguas.

Photo credits: realliving.com.ph

Sa malawak na living room ay makikita ang dalawang naglalakihang mga sofa at mesa. Hindi rin mawawala ang isa pang artwork na gawa ni Trek Valdizno. Upang mapanatili naman ang tropical theme ng lugar ay naglagay si Coco ng dalawang Paisley chairs mula kay Vito Selma.

Photo credits: realliving.com.ph

Gaya ng living room ay mapapansin din naman ang kakaibang mga upuan at mesa sa dining area na gawa nina Kenneth Cobonpue at Vito Selma.

Photo credits: realliving.com.ph

Upang maging maliwanag naman ang parteng ito ng bahay ay pumili si Coco ng mga hanging lights mula sa Triboa Bay Living.

Photo credits: realliving.com.ph

Kaiba pa sa mga mwebles ay talagang kahanga-hanga ang silid na ito lalo na ang fully-furnished na open kitchen.

Photo credits: realliving.com.ph

Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay makikita ang master’s bedroom kung saan makikita ang opisina ni Coco. Dagdag pa rito ay mayroon ding entertainment room, bar, at mini theater ang bahay na bukas para sa buong pamilya at mga malalapit na kaibigan ng aktor.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Gaya ng unang palapag ay punong-puno rin ng mga artworks ang palapag na ito gaya na lamang ng isang abstract artwork sa master’s bedroom na obra ng National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz.

Sa labas naman ng mansyon ay siguradong makakapag-enjoy si Coco sa veranda, gazebo, and cabana. Mapapansin ang napakalawak na espasyo gayundin ang 10-seater dinning table sa veranda na perpekto para sa kanilang pamilya.

Photo credits: realliving.com.ph

Ang gazebo naman ay maaaring magamit bilang meditation area habang ang cabana ay maaaring maging isang guest house dahil mayroon itong sariling living space, bedroom, bathroom, at kusina.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Talagang maituturing hindi lamang bilang tahanan ang mansyong ito kundi maaari ding matawag na isang museum at resort-inspired na bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *