Sa Edad na 20, Magkasintahan Nakapagpundar ng Kanilang Simple Ngunit Napaka Kumportable na Tahanan na may Temang Kahoy at Puti

“Sharing our humble home, with our hard work and perseverance at the age of 20 years old. Thank you Lord for everything #GodBlessOurHome ”, ito ang naging proud na pagbabahagi ng netizen na si Karen Mae L. Garcia sa Facebook community page na Home Buddies, kung saan kalakip nito ay ang simple ngunit mala-home buddies na tahanan na naipundar nila ng kanyang kasintahan sa edad nila na 20-taong gulang.

Napakarami na sa atin ang nagpatunay na ang katuparan ng ating mga pangarap ay nasa ating sipag, tyaga at pagsisikap. Tunay na ang katuparan ng isang pangarap ay wala sa edad ng isang tao, dahil kahit ano man ang iyong edad, ito ay maari mong mabigyan agad ng katuparan anuman ang iyong pangarap, basta’t tamang diskarte ang paiiralin mo sa iyong buhay.

Si Karen Mae L. Garcia na isa sa mga virtual kapitbahay natin sa Facebook community page na Home Buddies ay isa lamang sa nagpatunay na wala sa edad ang pagtupad sa ating mga pangarap, dahil siya mismo at kanyang partner ay nabigyan ng katuparan ang pangarap nilang tahanan, sa edad nilang 20-taong gulang. Tunay na inspirasyon ang hatid nila sa marami sa atin, lalo na sa mga patuloy na nagsusumikap na mabigyan ng katuparan ang kanilang dream home.

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Ipinasilip ni Karen Mae sa Home Buddies ang simple ngunit napakagandang tahanan na na naipundar nila ng kanyang partner. Sa mga larawan ay mapapansin na isang palapag lamang ang tahanan nilang ito, na napipintahan ng puti ang kabuuan, at maging ang steel gate nito ay kulay puti rin.
Sa larawan na ibinahagi ni Karen ay makikita na may simpleng exterior design ang kanilang tahanan, ngunit mayroong itong maliit na bakuran na kanilang nilagyan ng tila artificial grass na nagbigay buhay sa bahaging ito.

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Pagpasok naman sa mismong loob ng kanilang tahanan, ay agad na mapapansin ang pagiging open space nito, kung saan sa living area, dining at kitchen ay walang anumang pumapagitan. Bakas din ang pagkakaroon ng temang puti at kahoy ng tahan, dahil ang floor tiles nito ay mayroong disenyong kahoy, samantala, kulay light brown naman ang fabric l-shape sofa na makikita sa living area.

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Kaagad namang matatanaw mula sa living area ang dining at kitchen area, kung saan sa dining ay masisilayan ang isang 4-seater glass table at apat na upholstered na upuan.

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Samantala, mapapansin naman na ang mga pintuan patungo sa bedroom nina Karen Mae ays wood sliding barn doors, na talaga namang nauuso ngayon.

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Sa bedroom area naman ay agad ding kapansin-pansin ang puting tema, ngunit ang tile floor sa bahaging ito ay maypagka wood design pa din. Makikita sa loob ng bedroom ang isang queen size bed na may kulay puting kobre kama, at maging ang carpet at mga closet ay kulay puti din.

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Photo credits: Karen Mae L. Garcia | Facebook

Tunay na kahanga-hanga ang ganda ng kabuuang tahanan na ito nina Karen Mae, at ang talagang nakakabilib pa dito, ay naipundar nila ito sa edad na 20.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *