“Parang kailan lang kasi, nangungupahan kami. Parang kailan lang, siksikan kami sa kwarto.” Isang Netizen na Dating Walang-wala Ibinahagi ang Katas ng Kanyang mga Pinagpaguran

Kung minsan, talagang kahanga-hanga hindi lamang ang mga tahanan na ipinapakita ng mga bagong homeowners kundi pati na rin ang nakakaantig na kwento sa likod ng pagpapatayo ng mga ito.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng homeowner na si Ralph Lester de Castro, makikita ang magarang tahanan na kaniyang naipundar mula sa kaniyang pagsisikap sa trabaho. Mula pa lamang sa living room ay makikita na ang modernong disenyo ng bahay.

Mapapansin din ang magandang kombinasyon ng kulay berde at gold sa iba’t ibang elemento ng bahay gaya ng mga mwebles nito. Bukod dito, kahanga-hanga rin ang kakaibang chandelier sa living room at dining area. Talaga namang nakakadagdag din ito sa pagiging elegante ng espasyo.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Open din ang layout ng bahay kaya naman mula sa living room ay matatanaw agad ang kusina na makikita sa kabilang bahagi ng bahay. Kung mayroon namang kulay berde at gold at mga elementong gawa sa kahoy ang living at dining area, mapapansin naman na kulay puti ang tema ng kusina. Upang magkaroon naman ng kaunting kulay at dekorasyon dito ay naglagay sila ng mga gold accents sa mga kabinet.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Sa ikalawang palapag ng bahay ay makikita ang isang balcony kung saan makikita ang isang sala set at ilang mga halaman. Perpekto ang lugar na ito upang matanaw ng pamilya ang magandang view mula sa kanilang tahanan. Bukod dito, maaari din silang makapagpahinga o kaya naman ay magkaroon ng simpleng salo-salo.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Makikita rin dito ang master’s bedroom na talaga namang napakalawak. Bukod sa kama ay mayroon ding isang couch si Ralph Lester kung saan maaari siyang makapagpahinga. Sa kabilang banda naman ng kaniyang kwarto ay ang ilang kabinet na naglalaman ng kaniyang mga damit at iba pang kagamitan.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Kumpara naman sa kwartong ito ay mapapansin na mas maliit ang ikalawang kwarto ng bahay. Sa kabila nito, hindi maitatanggi na napakaganda pa rin nito. Isa rin sa talagang kahanga-hangang feature ng bahay ay ang ilang comfort room na mayroong iba’t ibang disenyo.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Walang duda na talagang maganda ang bahay na ito ngunit mas nakakabilib ang kwento sa likod ng naipundar na tahanan ni Ralph Lester.

Isa nga sa mga ibinahagi niyang larawan ay ang munting tahanan na inupahan ng kanilang pamilya sa loob ng 26 na taon. Makikita rin na malayong-malayo ito sa kasalukuyan nilang tahanan.

“‘So happy to share with all of you our newly renovated home—just in time for Christmas! 
Minsan ‘pag napapatingin ako sa aming bahay, di ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari ang lahat. Parang kailan lang kasi, nangungupahan kami. Parang kailan lang, siksikan kami sa kwarto. Parang kailan lang, dumaan sa panahong walang-wala.
Thank you, Lord! I will always be thankful for all the blessings YOU have bestowed upon me and my family. Never-ending gratitude to you, our Lord God! Maraming salamat po!” – ani Lester

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Dahil dito, masasabi na talagang ibang-iba na ang buhay at tahanan nina Ralph Lester ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *