“No more Boarding House, No more Sana all” Nangungupahan Lang Noon, Ngayon Proud na Ipinasilip ang Naipundar na Simpleng Tahanan na May Sukat na 80sqm at Tatlong Silid-Tulugan

Dati rin ba kayong nangungupahan? Bago nagkaroon ng sarili niyong tahanan? Tunay naman talaga na napakasaya at sarap sa pakiramdam ang magkaroon ng sariling tahanan, maliit, malaki, magara o simple man ito.

Marami sa atin ang bago nagkaroon ng sariling tahanan, ay nangungupahan lamang o nakikitira, at patuloy na nagsisikap sa buhay para mabigyan ng katuparan ang magkaroon ng sariling tahanan at tuluyan ng hindi mangupahan.

Sa patuloy din natin na pagsisikap, ay ang paniniwala natin na ‘in God’s perfect time’ ay ipagkakaloob din niya sa atin ang mga bagay na pinapangarap natin, tulad na nga lamang ng pagkakaroon ng sariling tahanan para sa ating pamilya.

Halimbawa na lamang nito ay ang isang pamilya, na noon ay nangungupahan lamang, ngunit ngayon ay nakapagpundar na ng tahanan na may sukat n 80sqm at tatlong silid-tulugan, na nito lamang nakaraan ay ipinasilip nila sa Facebook community page na Home Buddies.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Ibinahagi ng homeowner na si Lorraine Paguio-Garcia, sa Home Buddies, ang kanilang 80sqm na tahanan na ayon sa kanya ay may tatlong silid-tulugan. Kalakip ng mga larawan ng kanilang tahanan, ay ang pagbabahagi niya na bago pa sila magkaroon ng sarili nilang tahanan na ito, ay nangupahan din sila, at napapa-sana all sa mga may sariling bahay. lahat ng mga nakikita nilang

“No more boarding house, apartment no more sana all 😊. Sharing our simple home 80sqm only 3BR”, Saad niya.

“Tapos na po ito last May pa, ngayon lang naglakas loob magpost cause why not nga naman.. God is good just trust Him. His timing will always be the best. Sipagan pa this 2023… Happy New Year sa ating lahat!”, Dagdag na saad pa niya.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Sa mga ibinahaging larawan ni Lorraine, ay masisilayan ang iba’t ibang mga bahagi ng kanilang nnaipundar na 80sqm na tahanan, at sa unang larawan kung saan masisilayan ang labas na hitsura nito na, ay makikita na ang magara nilang gate at sa disenyo pa lamang ng tahanan nila sa labas ay iisipin na agad na ito’y nakatirik sa isang subdibisyon.
Ang kanilang tahanan na ito ay mayroong simpleng living area na agad bubungad pagpasok sa main door.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Makikita sa living area ang 3-seaters fabric sofa na kulay brown at sa tapat nito ay ang Telebisyon na nakapatong sa TV rack. Sa gilid naman ng Tv rack, ay mapapansin ang hagdanan na patungo sa ikalawang palapag ng tahanan.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Kagigiliwan naman sa dining area ang gawa sa kahoy na 4-seater dining set, at isa sa mga pinaka-accent sa bahagi na ito, ay ang nauusong disenyo ng wall mirror.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Napaka-elagante naman tingnan ng kitchen area ng tahanan na ito nina Lorraine, dahil sa tema nitong puti, beige at kahoy. Pagdating naman sa bathroom area, ay mapapansin din ang pagkamoderno nito, kung saan may pagitan na glass sa toilet area at shower area.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Mapapansin naman na ang master’s bedroom ng tahanan nilang ito ay hindi kalakihan, ngunit nagmistulang mawalak at maaliwalas dahil sa pagiging minimalist nito at tema nitong puti.

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Photo credits: Lorraine Paguio – Garcia | Facebook

Napakasarap naman talagang ipagmalaki ang sariling tahanan, lalo na kung ito’y bunga ng ating pagsisikap, kaya sa patuloy na nagsisikap para sa pangarap na tahanan, magpatuloy lamang, at magtiwala na isang araw ay magugulat ka na lang na ang pinapangarap mong tahanan ay nasa iyo ng harapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *