Nikki Gil, Ipinasilip ang Napakaganda at Modernong Bahay ng Kaniyang Maliit na Pamilya

Marami sa mga artista ang pumipili ng mas tahimik na buhay kasama ang kanilang sariling pamilya matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho Sa harap ng kamera. Isa na nga rito ang dating kilalang aktres, VJ, at singer na si Nikki Gil.

Bagamat mas tahimik na ang buhay ngayon ni Nikki, patuloy pa rin niyang ibinabahagi ang bagong mga kaganapan sa kaniyang buhay sa tulong ng kaniyang social media accounts. Ilan na nga sa mga ito ay ang kaniyang nabuong pamilya gayundin ang kanilang napakagandang tahanan.

Tinatawag na isang bi-level apartment ang bahay na ito ni Nikki. Kapansin-pansin din ang naglalakihang mga glass windows sa common spaces ng family home na ito kaya naman talagang matatanaw mula sa apartment ang magandang view ng kanilang lugar.

Bukod dito, mapapansin din sa mga litrato ng aktres na talagang maaliwalas ang buong bahay hindi lamang dahil sa mga glass windows kundi dahil na rin sa kanilang mga mwebles na mayroong mapusyaw na mga kulay.

Isang halimbawa na nga rito ay ang kanilang sala set na mayroong puting kulay. Nariyan din ang iba pang upuan at mesa na gawa sa kahoy. Upang magkaroon naman ng kaunting dekorasyon ang bahay ay naglagay sila ng mga litrato at iba’t ibang indoor plants.

Nagsisilbing divider naman ng living room at dining room at kusina ang sliding door na gawa sa salamin at kahoy.

Bagamat hiwalay ay mayroong parehong tema ang mga silid na ito. Makikita pa rin ang kulay puting tema at mga wood accents sa bahaging ito ng bahay.

Dahil dito, talagang mas napapansin ang kalinisan ng kusina. Makikita rin mula sa mga social media posts ng dating singer na komportable siyang nakakapagtrabaho sa kusina lalo na at kumpleto ito sa mga kagamitan at appliances.

Bukod sa mga silid na ito, isa rin sa parte ng bahay na ibinahagi ni Nikki ay ang nursery ng bahay para sa kaniyang anak na si Finn. Mapusyaw rin ang mga kulay na ginamit para sa kwartong ito at makikita pa rin ang mga furnitures gaya ng crib at mesa na kulay puti.

Upang mapanatili naman nila ang kabuuang tema ng bahay ay gumamit sila ng mga picture frames at iba pang maliliit na kagamitan na gawa sa kahoy.

Hindi maitatanggi ang pagiging simple ngunit elegante ng family home na ito. Sigurado rin na masaya at tahimik ang paninirahan dito ni Nikki at ng kaniyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *