“New Year, New Home”, Isang Netizen Masayang Ipinasilip ang Naipundar na Bagong Bahay, Isang Napakaganda at Modernong Three Story Home

Ang pagkakaroon ng dream home ay tunay na pinapangarap ng marami sa atin, kaya naman talagang lahat tayo ay nagsusumikap para ito’y ating mabigyan ng katuparan. May iba naman sa atin na ngayon ay natupad na ang pinapangarap nilang dream home, tulad na lamang ng isang netizens na kamakailan lamang ay proud na ipinasilip ang kanilang naipundar na napakagandang bagong bahay.

Sa popular na Facebook community page na Home Buddies, ay proud na ibinahagi ng netizens na si Majo Salanguste-Plata ang bagong tahanan ng kanilang pamilya. Ayon pa sa kanyang caption, halos lahat ng ideya sa bagong tahanan nilang ito, ay nakuha nila sa Home Buddies.

“Makiki New Year, New Home din

Thank you home buddies for inspiring us to finally build our own house Madami kmi nakuhang mga ideas sa page na to. Let’s continue to help and inspire one another
To God be all the glory ”, saad niya sa caption ng kanyang post.

Kalakip naman ng post niyang ito ay ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang bagong bahay, kung saan makikita na ito ay isang three story home na mayroong modernong disenyo, lalo na dahil sa panglabas na estraktura nito ay agad na mapapansin ang mga glass window nito at maraming mga ilaw, na talaga namang nauuso ngayon sa mga tahanan.

Sa labas pa lamang din ng tahanan na ito, ay mababakas na ang wood na tema nito, dahil halos ang gate nito ay parang kulay ng kahoy, ganun din ang mga bricks tiles na ginamit sa bakod at maging sa mismong exterior ng tahanan.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Katulad ng mga nauuso sa mga naglalakihang tahanan ngayon, high ceiling din ang bahagi ng living area ng 3-story home na ito, kung saan kaagad na mapapansin sa living area ang napakaganda at modernong disenyo ng ceiling nito, ganun din ang chandelier na nagbibigay ng liwanag dito.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Makikita din sa living area, ang kulay cream na L-shaped sofa, samantala sa gitna nito ang isang center table at nakasabit naman sa wall ang telebisyon.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Mapapansin din na ang ang mga pintuan ng tahanan na ito ay purong kahoy. Pagdating naman sa may bandang kitchen area ay makikita din na ito ay mayroong temang puti at kahoy, dahil sa ang top ng sink at counter ay puting tiles ang ginamit, samantala ang mga built-in at modular cabinets naman ay kahoy ang kulay ganun din ang accent ng pinaka-counter.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Ang dining area naman ng tahanan na ito ay mayroong 6-seater solid wood dining table. Mapapansin din ang kakaibang disenyo ng ilaw sa bahaging ito ng tahanan.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Kung sa living area, dining at kitchen at mapapansin ang white tiles sa flooring , sa pag-akyat pa lamang sa hagdanan ng tahanan na ito ay agad ng mapapansin ang wood tiles ng floor ng hagdan ganun din ang railings nito. Kahit sa flooring ng ikalawang palapag ay makikita na ang kabuuan nito ay wood ang disenyo ng tile sa floor. Makikita din ang pagkakaroon ng pangalawang living area sa palapag na ito ng tahanan.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Samantala, tulad ng mga modernong tahanan ngayon, ay napakaganda at malawak din ang toilet/bath ng tahanan na ito, kung saan ang toilet area at shower area ay mayroong pagitan na glass sliding door.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Tunay din na napakalawak ng bedroom ng tahanang ito, kung saan makikita ang isang queen size bed na gawa din sa kahoy, ngunit may modernong headboard. Mapapansin din ang wood tiles sa flooring ng bedroom, ganun din ang pintuan nito na solid wood.

Photo credits: Majo Salanguste-Plata | Facebook

Napakaganda naman talaga ng tahanan na ito, at isa na naman ito sa mga tahanan na kapupulutan ng ideya at inspirasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *