Mula sa Dating Black at White Theme, Tahanan ng Isang Pamilya Naging Mas Maaliwalas at Airry Tingnan sa Tema Nito Ngayon na White Beige at Gold Accent Matapos Ipa-Renovate

Isang mommy ang ipinasilip ang kanilang munting tahanan, na kamamanghaan dahil sa pagka-sopistakada nitong tema na white beige na may gold accent.
Sa Home Buddies, isang sikat at sinusubaybayang community page ngayon sa Facebook, ay ibinahagi ng mommy na si Haidee A. Martinez ang kanilang maganda at maaliwalas na tahanan, na ayon sa kanya ay isang inner unit ng Reana sa Lessandra na may lot area na 35sqm.

Ibinahagi ni Haidee na dahil hindi ganun kalaki ang tahanan nilang ito, ay nagpa-extend sila noong taong 2020 sa likod na bahagi nito na naging CR at kitchen area sa first floor at naging room naman ang nasa second floor.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Dahil din umano sa small space ang kanilang tahanan, talaga namang kinailangan niyang maging maparaan upang mag mistula pa rin itong maaliwalas, at malaking tulong sa kanya ang Pinterest para ma-achieve niya ito.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Samantala, mula naman sa dating tema ng tahanan nila na black at white, ay ibinahagi din ni Haidee na noong magparenovate sila ay mas pinili niyang palitan ito, at piniling maging white beige na may gold accent ang tema. Saad pa niya, hindi niya inakala, na panahon pa ng krisis o pandemya sila magkakaroon ng budget para sa pagpapa-renovate ng kanilang munting tahanan.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Sa mga larawan naman na kanyang ibinahagi ay masisilayan ang napakagandang resulta ng naging renovation ng kanilang tahanan, kung saan dahil sa tema na nito ngayon na white beige na may gold accent ay mas naging elegante at marangya ito tingnan kahit na ito’y tahanan na hindi kalakihan.

Masisilayan na hindi kalakihan ang living area, ngunit sa kabila nito ay nagmistula itong malawak dahil sa mirror illusion na nasa likod ng sofa sa bandang ilalim ng hagdan. Agaw-pansin din ang pagiging moderno hagdanan, kung saan ang railings nito ay glass, na ayon kay Haidee ay dating black wood.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Napaka-elagante naman ng dining area ng tahanan nina Haidee matapos ang renovation, kung saan ay mapapansin din dito ang temang white beige at gold accent. Makikita dito ang 4-seater dining glass table, na ang mga upuan ay may beige foam at sa may wall ay may agaw-pansing wall décor na may accent ng gold.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Mapapansin na may kaliitan ang kitchen area, ngunit dahil sa puting pinta nito, ay naging maaliwalas pa rin ito tingnan. Sa bahaging ito din ng tahanan ay makikita ang mga modernong appliances nakukulayan din ng puti at beige, tulad ng rce cooker at air fryer.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Tunay din na kamangha-mangha ang bedroom dahil sa napakaganda at elegante nitong tulugan, siyempre mapapansin din na hindi mawawala sa bedroom area ang gold accent na nagpa-sopistakada ng dating dito.

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Photo credits: Heidee A. Martinez | Facebook

Ayon naman kay Haidee, lahat ng mga ideya niya sa pagpapaganda ng tahanan nila ay nakuha niya sa google at Pinterest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *