Miss Universe 4th Runner Up na si Venus Raj, Ipinasilip ang Kanyang Naipundar na Tropical-Themed Bungalow House

Unang nakilala ng publiko si Venus Raj bilang beauty queen noong nanalo ito bilang Binibining Pilipinas Universe taong 2010. Lalo namang dumami hindi lamang ang nakakakilala sa kaniya kundi pati na rin ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta noong sumabak na siya sa 2010 Miss Universe pageant. Laking tuwa rin ng buong bansa noong nasungkit niya ang 4th Runner Up title sa nasabing patimpalak.

Talagang naging matagumpay nga ang karera ni Venus bilang isang beauty queen. Dahil dito, marami na siyang naipundar na mga ari-arian. Isa na rito ang tropical-themed bungalow na inilaan niya bilang bagong tahanan ng kanilang pamilya.

Photo credits: realliving.com.ph

Ibinahagi ng beauty queen ang buhay nila noon kaya naman talagang itinuturing nila ito bilang isa sa pinakamahahalagang property ng kanilang buong pamilya.

Photo credits: realliving.com.ph

Isa sa mga napakagandang parte ng bahay ay ang façade na mayroong malalaking sliding doors na ginagamit upang makapasok sa mismong bahay.

Photo credits: realliving.com.ph

Perpekto din naman ito upang matanaw ng pamilya ni Venus ang kagandahan ng kanilang lugar.

Photo credits: realliving.com.ph

Pagpasok sa bahay ay makikita ang napakalawak na open space kung saan makikita ang living area gayundin ang dining space. Mapapansin din ang neutral na mga kulay sa loob ng bahay.

Dagdag pa rito, pumili din si Venus ng iba’t ibang mwebles na gawa sa kahoy na talaga namang bagay na bagay sa tropical na tema ng bahay.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita rin ang parehong tropical at minimalist na tema sa kusina. Mapapansin nga rito ang mga storage spaces na gawa sa kahoy.

Photo credits: realliving.com.ph

Kung ang karamihang modernong tahanan ngayon ay mayroong mga kitchen island, pinili naman ni Venus na magkaroon ng isang mahabang mesa na maaari nilang magamit hindi lamang sa paghahanda ng pagkain kundi para na rin sa iba’t ibang okasyon ng kanilang pamilya.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita rin ang personalidad ni Venus sa kaniyang sariling espasyo sa bahay na ito. Bagamat malawak nga ang kwartong ito ay mapapansin pa rin ang simpleng disenyo ng lugar.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Bukod dito, talagang kahanga-hanga rin si Venus bilang anak at kapatid dahil ibinahagi niya ang kaniyang plano na ibigay ang bahay na ito sa kaniyang pamilya matapos niyang magpatayo ng kaniyang sariling tahanan sa bakuran ng family home na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *