Matapos ang 18 Taon na Paninirahan sa Hindi Nila Sariling Tahanan, Mag-asawa Proud na Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na Simple Ngunit Kumportableng Bahay

Tunay na hindi kailangan ng isang magarbong tahanan para maging kumportable ang pamumuhay ng isang pamilya, isang simple o maliit man na tahanan ay maaring maging isang kumportableng kanlungan para sa isang pamilya, basta’t ito ay maayos na matitirhan ay may kumpletong pasilidad, tulad ng sala, kusina, higaan, at banyo.

Halimbawa nito ay ang isang simpleng tahanan na nag-viral nito lamang nakaraan sa social media, ito ay matapos na ibahagi ng homeowner nito na si Lhyn Abu Tubay ang mga larawan ng tahanan na naipundar nilang mag-asawa pagkalipas ng 18-taon.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Maraming mga netizens ang pumuri sa mag-asawa, dahil sa kabila ng napakatagal na panahon na kanilang naging paghihintay at pagsusumikap na magkaroon ng kanilang sariling tahanan, ngayon ay nabigyan na nila ito ng katuparan. Hindi man mala-mansyon ang laki ng tahanan na naipundar ni Lhyn ay ng kanyang mister, ito naman ay tunay na nakakuha ng atensyon sa mga netizens, dahil sa marami sa atin ang talaga namang mas pinili ang manirahan sa isang simpleng tahanan.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Makikita sa mga larawan na tampok sa tahanan na ito ang extension nito na siyang nagsilbing porch area, kung saan ang upuan nito ay gawa sa kawayan, kaya naman talagang napaka-perpekto nitong tambayan, o pahingahan. Mapapansin din ang pagkakaroon mababang bubong ng tahanan na ito.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Samantala, mapapansin naman sa tahanan na ito ang pagkakaroon nito ng mga bintana na fully open , na siyang nagpapapasok dito ng natural na liwanag at preskong hangin. Ang mga ganitong tahanan, ang madalas nating nasisilayan sa mga urban area, lalo na sa mga nasa matataas na lugar.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Tunay na napakasimple ngunit napaka-kumportable ng tahanan na ito para sa isang pamilya, sapagkat ito isang furnished home. Makikita sa living area nito, ang isang bamboo sala set na may foam-padded, ganun din ang telebisyon na nakalagay sa isang TV stand, kung saan may naka-display na mga mini stufftoys.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Napaka-simple din ng kitchen area ng tahanang ito, kung saan ito ay may sapat na espasyo para sa lababo at lutuan, ganun din sa hapag-kainan, na mayroong 4-seater dining table.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Kahit naman napaka-simple ng naipundar na tahanan na ito nina Lhyn, ay mayroon naman itong kumportableng silid-tulugan.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Isa naman sa tunay na kaaya-aya sa tahanang ito, ay ang presko nitong kapaligiran dahil sa halaman at bulaklak na nakapaligid dito.

Photo credits: Lhyn Abu Tubay | Facebook

Ayon naman sa ulat, ang ganitong simpleng tahanan ay maaring umabot sa halagang Php100,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *