Mag-asawa Proud na Ibinahagi ang kanilang Naipundar na 2-Story House na Katas ng Kanilang 13th Month Pay

Kayo ba ay mga empleyado din na nakatatanggap ng 13th month pay tuwing buwan ng Disyembre? Kung ‘oo’, san nakarating ito o anong magandang bagay na pinaglaanan niyo ng perang ito na inyong pinagpaguran? Katulad din ba kayo ng mag-asawang ibibida natin ngayon, na hindi sinayang ang kanilang 13th month at ito ay inilaan sa bagay na kanilang pangarap na tahanan.

Sa Facebook community page na Home Buddies ay masayang ibinahagi ng misis na si Jennifer Mercado Pajarillo ang naipundar nilang napakagandang 2-story home na katas ng kanilang 13th month pay. Pagbabahagi niya, ang pangarap nilang tahanan, ay kanilang magkatulong na naipundar ng kanyang asawa, dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtitipid.

“Salamat ka-HB sa inspiration. Finally masasabi na namin na “Finish na!” Ilang taon din ng pagsusumikap at pagtitipid. Nagsimula ang idea ng pag-papagawa ng bahay noong Dec 2017. Nag decide kami bumili ng mga bakal, semento at hallow blocks gamit ang 13th month pay(kaya medyo naging familiar na kami sa mga gamit pang construction). So from that moment we realize na wala ng atrasan ito ”

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Ayon pa kay Jennifer, buwan ng Disyembre taong 2017 ng maisipan na nilang mag-asawa na magpagawa ng kanilang pangarap na tahanan, kung saan ang kanilang natanggap na 13th month pay, ang ginamit nila para simulan ang munting tahanan nila. Saad pa niya, gamit ang naturang salapi, ay nagsimula silang bumili ng mga materyales na kakailanganin para sa pagpapagawa nila ng bahay.

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Katulad ng ilan, inakala din nina Jennifer at kanyang asawa na hindi nila makakaya ang mga gastusin sa pagpapagawa ng kanilang pangarap na tahanan. Dagdag pa niya, pumasok din sa kanilang isipan ang mag-loan sa bangko, dahil sa kagustuhan nilang matapos ang tahanan nilang ito.

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Pero tunay na ang isang bagay ay kinakailangan na hindi minamadali, dahil ayon kay Jennifer, silang mag-asawa ay naghintay at nag-ipon muna bago nila napatapos ang pangarap nilang tahanan. Pahayag pa niya, bawat makatatanggap sila ng 13 th month at bawat sahod, ay inuunti unti nila ng bili ang mga materyales na kanilang kailangan para hindi na magamit ang budget sa kung ano pa man.

“Akala namin hindi namin kaya, to the point na nagtitingin na kami ng option na mag loan sa bangko dahil gusto na namin patapusin si Houhou. Pero hindi pala nakukuha sa madalian, nagantay kami, naipon bawat sahod at 13th month pay at bawat sahod dun kami bumibili ng gamit para sure na hindi namin magagamit sa kung ano ano man.”

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Makikita naman sa ibinahaging larawan ni Jennifer, na ang tahanan na kanilang pinagtulungang maipundar ng kanyang mister na katas ng kanilang 13th month at sahod ay isang 2-story home. Makikita din sa larawan na ang loob ng tahanan nilang ito ay mayroong magarang pagkakaayos.

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Photo credits: Jennifer Mercado Pajarillo | Facebook Group Home Buddies

Ani pa ni Jennifer, sa katuparan ng pangarap nilang ito na makapagpatayo ng sarili nilang tahanan, ay dito nila na-realize na kung talagang mayroong goal sa buhay, ito ay huwag sukuan at patuloy lang na pagtrabahuan at hingin ang gabay ng Panginoon, dahil darating ang araw na makikita mo na ang bunga ng lahat ng pinagsikapan mo, tulad na lamang ng naging magandang resulta ng pagsisikap nilang mag-asawa.

“ We realize na if meron kayong goal sa buhay wag nyong susukuan agad, samahan nyo ng dasal at guide ni Lord ”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *