Mag-asawa na Dating OFW Nakapagtayo ng 10-Unit Apartment Katas ng Kanilang mga Sakripisyo at Pagsusumikap sa Pagtratrabaho sa Ibang Bansa

Marami sa ating mga kababayan ang pinipiling makipagsapalaran sa ibang bansa, dahil sa dito nila nakikita ang magandang oportunidad. Karamihan naman sa kanila ay tunay na nagkaroon ng magandang oportunidad sa ibang bansa, ang iba ay unti-unting nakapagpundar, tulad ng tahanan at negosyo, may iba naman na nagawa ng makatulong sa kanilang pamilya dahil sa kanilang pangingibang-bansa.

Samantala, isang mag-asawa naman na dating OFW ang umani ng paghanga dahil sa kanilang pagbibigay inspirasyon sa marami sa atin lalo na sa mga kapwa nila Overseas Filipino Worker. Ang mag-asawang ito ay talaga namang kahanga-hanga, dahil sa kanilang mahusay na pagamit ng perang kanilang pinaghirapan, kung saan inilaan nila ito sa bagay na batid nilang mapapakinabangan nila pang-habangbuhay.

Photo credits: Cates Andrea Clerigo | Facebook

Sa Facebook community page na Home Buddies ay ibinahagi ni Cates Andrea Clerigo ang larawan ng isang 10-units apartment, at kalakip nito ay ang kanyang caption kung saan ay kanyang inilahad ang kanyang paghanga sa mag-asawang nagmamay-ari nito, na ayon sa kanya ay dating OFW.

“GrabeEto yung goal ko yung makapag invest sa ganitong property Sobrang nakaka inspire”, ito ang kanyang unang pahayag sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, “Dati silang OFW at pag uwi sa Pilipinas, gamit ang kanilang naipon sa ibang bansa nagtayo sila ng sariling business at nag umpisa ulit mag ipon para naman sa pangarap nilang apartment. Yung mindset nilang mag asawa pang matagalan at alam mong may goal sa buhay. Bakit? kasi imbis na ubusin nila ang pera nila sa luho mas pinili nilang mag patayo ng ganitong property. “May bahay ka na, may business ka pa”.

Photo credits: Cates Andrea Clerigo | Facebook

Ayon kay Cates, talagang na-inspire siya sa mag-asawa, dahil sa mindset ng mga ito, kung saan talagang ipinamalas ng mga ito ang napakaganda nilang goal sa kanilang buhay. Pagbabahagi niya, ang mag-asawa ay dating OFW na nagdesisyon ng umuwi sa ating bansa (Pilipinas), at gamit ang kanilang naipon sa ibang bansa, nagtayo ang mga ito ng sarili nilang negosyo. Magmula naman sa negosyong napundar ng mag-asawa, ay nakapag-ipon naman sila ng pera na naisipan naman nilang ipatayo ng apartment.

Photo credits: Cates Andrea Clerigo | Facebook

Tunay namang sa panahon ngayon, ay mahalaga na sa mahusay na pamamaraan natin ginagamit ang perang ating pinaghirapan, kaya naman inspirasyon ang mag-asawang ito, dahil sa kanilang mahusay na pagamit ng kanilang ipon, na kanila ngang ipinatayo ng property na apartment. Maliban kasi sa mayroon na silang bahay, ay may negosyo pa sila at sigurado na sila na may inaasahan na silang monthly income mula rito.

Photo credits: Cates Andrea Clerigo | Facebook

Makikita naman sa mga ibinahaging larawan ni Cates ang hitsura ng 10-units apartment na naipundar ng mag-asawa, kung saan ang bawat isa umano nito ay mayroong floor area na 30sqm. Ang apartment na to ay gawa ng AREP Engineering and Construction Services Official.

Photo credits: Cates Andrea Clerigo | Facebook

Payo naman ni Cates sa ibang OFW na naghahanap ng magandang investment, ang pagkakaroon ng apartment ay isa sa mga magandang ideya na pag-investan.
Kaya sa mga OFW na naghahanap ng magandang investment, magandang idea itong apartment. Kitang kita nyo yung bunga ng sakripisyo at pagtitiis nyo sa ibang bansa. Pag uwi nyo di kayo matatakot kasi may monthly kang aasahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *