Mag-asawa na Dating Nagtratrabaho sa Hongkong, Ipinasilip ang Naging Transpormasyon ng Kanilang Condominium Unit

Ang bawat homeowner ay mayroong kaniya-kaniyang kagustuhan pagdating sa tema ng kanilang bahay, mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa pinakamalaking elemento ng bahay. Sa kabila nito, kung minsan ay mahirap maisakatuparan ang inaasam na eksaktong disenyo ng ating sariling mga tahanan.

Dahil dito, talagang mapalad ang mga homeowners na mayroong talento at kaalaman pagdating sa pagpapaganda ng mga tahanan gaya na lamang ng mag-asawa na ito.

Sa isang post sa kilalang Facebook group na Home Buddies, makikita ang ibinahaging kwento ng isang Facebook user. Kwento niya, nagtatrabaho siya at ang kaniyang asawa noon sa Hong Kong bilang mga designers.

Dahil dito, masasabing talagang may kaalaman at karanasan ang homeowner na ito pagdating sa pagdidisenyo ng mga tahanan. Bukod dito, ipinasilip din niya ang bunga ng kanilang talento sa kanilang sariling tahanan.

Sa parehong Facebook post nga ay makikita ang condominium unit na ito sa Pampanga na may sukat na 27 sqm. Gaya ng pangkaraniwang mga condominium unit, bagamat mayroong kusina, comfort room, at living room ang unit ay wala itong anumang disenyo o kagamitan noong nabili ito ng mag-asawa. Dahil dito, talagang mayroon silang kalayaan sa pagdidisenyo nito. Moderno ang napili nilang tema para sa unit na ito. Mayroon ding mga neutral na kulay at wood accents sa kwarto.

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Mapapansin din na mayroong sapat na espasyo sa parteng ito ng unit kaya naman nakapaglagay sila ng karagdagang mesa at mga upuan. Mula naman rito ay naglagay ang mag-asawa ng isang divider na gawa sa kahoy na nagsisilbing partisyon ng bedroom at kusina. Makikita naman sa kusina na pinanatili nila ang simpleng konsepto nito.

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Kulay puti ang mga kabinet at counter at kakaunti rin ang makikitang mga kagamitan. May kaliitan din ang pinili nilang mga appliances dahil sa limitadong espasyo ng bahay. Sa kabila nito, masasabing komportable pa rin ang mga homeowners sa espasyo rito.

Bukod sa mga pangkaraniwang silid na makikita sa mga condominium ay mayroon ding balcony ang unit na ito. Ayon nga sa mga may-ari, ang ilan sa mga kagamitan na makikita sa balcony gayundin sa ibang parte ng bahay ay nabili lamang nila sa mga kilalang home appliance stores at mga online shops.

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Photo credits: Roarar Roarar | Facebook 

Sa kabuuan ay mayroong simpleng disenyo ang bahay ngunit masasabing perpekto lamang ito para sa layout at limitadong sukat ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *