Janice De Belen, Ipinasilip ang Ipinatayong Mansyon Para sa Kaniyang Buong Pamilya

Marami sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang ipinagmamalaking ibinabahagi ang kanilang mga naipupundar na ari-arian para sa kanilang sarili at pamilya. Normal na ito lalo na at talagang nagmula ang mga yaman na ito sa kanilang pagsisikap at walang-kapagurang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz.

Isang paraan nga upang maibahagi ng mga artista ang kanilang tahanan ay ang pagkakaroon ng house tour. Gaya nga ng mga artistang ito, sa isang house tour ay masayang ibinahagi ng aktres na si Janice De Belen ang kaniyang family home.

Sa unang parte pa lamang ng house tour ay talagang kapansin-pansin na napakalaki at napakalawak ng sukat ng mansyon na ito. Ito ay dahil sa kagustuhan ni Janice na sama-samang manirahan ang kaniyang mga anak at apo.

Photo credits: realliving.com.ph

Dahil dito, talagang siniguro niya na mayroong komportableng espasyo ang bawat isa. Dagdag pa rito, isa rin sa mahalagang bagay na siniguro ni Janice ay ang pagkakaroon ng balanse ng pagiging child-friendly at elegante ang kaniyang bahay.

Pagpasok pa lamang sa grandiyosong mansyon ay sasalubong na ang napakalaking main door na gawa sa kahoy. Mapapansin din na maaliwalas sa buong bahay dahil sa mahusay na pagpili ni Janice ng glass windows na nakapalibot sa buong bahay.

Photo credits: realliving.com.ph

Dagdag pa rito, hindi rin nakalimutan ni Janice na maglagay ng iba’t ibang palamuti gaya ng mga kakaibang artworks at disenyo.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Isa rin sa agaw-atensyon na silid ng bahay ay ang napakalawak na kusina ni Janice. Bukod nga sa sukat nito ay kapansin-pansin din ang napakarami at kumpletong kagamitan dito. Masasabi na talagang siniguro ni Janice na magiging komportable siya rito lalo na at kinahihiligan din niya ang pagluluto.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita naman ang dining space sa isang mini garden sa ikalawang palapag ng bahay na ito. Kwento nga ni Janice, sa espasyong ito idinaraos ang ilang mahahalagang okasyon ng pamilya.

Photo credits: realliving.com.ph

Sa nasabing palapag rin makikita ang mga silid ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Espesyal ang bawat silid na ito dahil makikita ang iba’t ibang tema at disenyo na base sa kani-kanilang paboritong kulay.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Dahil dito at dahil na rin sa kabuuang disenyo ng bahay ay talagang masasabi na matagumpay si Janice sa kaniyang pagkakaroon ng elegante at child-friendly na family home.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *