Iza Calzado Ipinasilip ang Kanyang Napakalaking Eclectic Condo Unit sa Makati na may Napakagandang Interior Design

Kilala bilang aktres, modelo, television host at dancer si Iza Calzado sa mundo ng showbusiness sa Pilipinas. Sa kanyang angking kagandahan at husay sa pag-arte ay talaga namang marami ang humahanga at umiidolo sa kanya.

Unang nakilala sa showbusiness si Iza Calzado sa GMA Network bilang isang Kapuso actress, ngunit makalipas ang 10-taon niyang karera sa naturang network, ay nagdesisyon siyang lumipat sa ABS-CBN Network, kung saan hanggang ngayon ay nanatili siyang Kapamilya actress.

Hindi lamang isang kilala bilang personalidad sa showbusiness si Iza, dahil maliban dito, ay isa din siya sa mga main ambassador ng Booky, isang local food app at blog ngayon na ang nagmamay-ari at CEO ay ang mister ni Iza na si Ben Wintle.

Samantala, naninirahan sa kanyang high-rise haven sa Makati ang award-winning actress na si Iza Calzado, kung saan ang tahanan niyang ito ay kakikitaan ng peronalidad na taglay niya, dahil sa pagka-naughty at nice nito. Ang tahanan na ito ni Iza ay isang condo sa Makati, na mayroong edgy accessories at feminine touches.
Taong 2014 ng mabili ni Iza ang condo unit na ito sa Makati, ito ay matapos niyang ibenta ang kanyang tahanan sa Quezon City. Unang naging prayoridad ng aktres ang mabayaran muna ang kabuuan ng condo niyang ito, bago siya nagdesisyon na ito’y ipa-renovate, upang mas mapaganda at umayon sa tahanan na talagang nais niya.

Sa panayam noon sa aktres, ay kanyang ibinahagi, na ang condo niyang ito ay ipina-renovate niya, anim na buwan matapos niya itong mabili. Ang naging katulong niya sa pagpapaganda ng condo niyang ito, ay ang kanyang kaibigan na si Nix Alanon, isang interior decorator, at kilala din bilang principal designer ng FTA Design, isang art at design company.

Ibinahagi naman ni Iza, na isa sa mga espesyal sa kanyang tahanan na ito, ay ang siya mismo ang naging hands on sa pagpili ng mga materyales at kagamitan na ilalagay dito. Saad pa niya, unti-unti lang ang ginawa niyang pagbuo nito, dahil sa ayaw niyang madaliin ang bawat detalye ng tahanan niyang ito.
Narito naman at silipin natin ang napakagandang tahanan ni Iza, na siyang naging resulta ng ginawa niyang pagpapa-renovate dito.

Foyer

Sa Foyer pa lamang ay agad ng mapapansin ang pagiging malawak at maaliwalas ng tahanan na ito ng aktres. Sa bahagi ding ito ng kanyang tahanan ay masisilayan ang isang horse-leg console table na mula sa Firma. Ang console table niyang ito, ay may mga nakalagay na libro at iba pang mga accessories.

Living Area

Mapapansin naman sa living area ang pagiging neutral nito ngunit napaka-elegante ng dating. Karamihan sa mga magaganda at magagarbong kagamitan sa livin area na ito ni Iza ay mula sa Phoenix Home, ang furniture at lifestyle brand na pagmamya-ri ng kaibigan niyang si Nix.

Isa naman sa talagang agaw-pansin sa bahaging ito ng tahanan ng aktres, ay ang work of art na nakasabit sa may dingding, kung saan ang artwork na ito ay kinikonsidera ni Iza bilang kanyang proized possession. Ang naturang obra ay likha ng National Artists ng Visual Arts na si Ben Cabrera aka BanCab.

Entertainment Lounge

Napaa-relaxing naman ng entertainment area ng aktres sa tahanan niyang ito, at isa sa mapapansin dito ay ang popcorn machine na binili niya sa online, na nae-enjoy umano niyang gamitin kapag nanonood siya ng movie, lalo na sa gabi.

Dining Area

Sa dining area ay mapapansin ang sahig nito na may herringbone pattern, na ayon kay Nix ay si Iza mismo ang nag-request. Mapapansin din ang malaking glass window sa dining area na siyang pinagmumulan ng natural na liwanag dito. Bumagay din dito ang 8-seater glass top table, na may katernong upholstered chair.

 

Kitchen area

Tulad ng kitchen area ng ibang celebrity, ay kahanga-hanga din ang pagkakaayos, istilo at tema ng kusina ni Iza sa kanyang tahanang ito. Dahil sa pagiging spacious ng kitchen, ay malayang nakakagalaw si Iza kapag siya ay nagluluto, at para sa kanya ay npaka-perfect nito lalo na pagnagpe-prepare siya ng pagkain.

Isa din sa mga mapapansin sa kitchen area ay ang generous countertops nito at ang cozy ambiance na mas kinumpleto pa ng marble backsplash.

Powder Room

Ang powder na ito ay nasa unang palapag ng tahanan na ito ng aktres, kung saan ayon kay Iza ay mas pinili niyang i-retain ang black marble nito na binagayan ng mga white fixtures.

Staircase

Isa din ito sa mga hindi na ipinabago pa ni Iza, mula sa orihinal na hitsura ng kanyang unit. Makikita na ang staircase na ito ay mayroong glass planks.

Bedroom

Tunay namang napaka-ganda ng personal space na ito ng aktres sa kanyang unit, kung saan ay nagpa-elegante ng dating dito ang tema nitong gray. Makikita dito ang isang California king bed na mayroong cushioned headboard, side tables at foot bench.

Bathroom

Marble elements naman halos ang masisilayan sa bathroom area na ito ng aktres. Ayon kay Iza, ang dating may-ari ng unit, ay talagang mahilig sa marble. Makikita naman ang enclose shower area na mayroon ding malaking bintana, na dinadaluyan ng natural na liwanag.

Walk-In closet

Sa walk-in closet na ito ni Iza ay masisilayan ang lahat ng kanyang mga koleksyong, sapatos, damit at bags, at ang mga iti ay may kanya-kanyang compartment para mapanatili ang bahaging ito na spic-and-span.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *