Ivana Alawi, Ibinahagi ang mga Panghuhusgang Naranasan ng Kaniyang Ina sa Ibang Bansa Noon

Isa si Ivana Alawi sa mga pinakasikat na artista at Youtuber sa bansa. Ngunit bago pa man naabot ni Ivana ang kasikatan at tagumpay na tinatamasa niya ngayon, nakaranas din siya at ang kaniyang pamilya ng mga hamon.

Nakatira noon ang pamilya ni Ivana sa Bahrain. Dito siya nag-aral kasama ang kaniyang mga kapatid. Bagamat maayos ang kanilang pamumuhay, nagkaroon din sila ng problema lalo na noong naghiwalay ang kaniyang mga magulang. Bukod pa dito, nakaranas din sila ng ilang panghuhusga.

Photo credits: google.com

Kwento ni Ivana, hands-on ang kaniyang nanay sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid kahit na sila ay nasa ibang bansa ngunit may ilang mga tao na mababa ang tingin sa kanilang Pilipinang nanay. Gayunpaman, taas-noong ipinagmalaki ni Ivana ang kaniyang nanay. Dagdag pa niya,

“Para sa akin, huwag mong mamaliitin ang mga Pinoy kasi masisipag kami, and we work [hard] talaga.”

Photo credits: google.com

Napatunayan naman ito ni Ivana noong bumalik ang kanilang pamilya sa Pilipinas. Mag-isa silang pinalaki ng kaniyang nanay habang sinubukan namang pumasok ni Ivana sa mundo ng showbiz. Ngunit naranasan niya ang paulit-ulit na pagtanggi ng mga TV networks at shows. Kwento ni Ivana, paulit-ulit siyang nag-audition para sa mga pelikula at maging sa mga reality TV shows at commercials ngunit halos lahat ay hindi siya tinatanggap.

Photo credits: google.com

Ilang beses na rin niyang napag-desisyunan na tumigil na lamang. Naisip niyang maghanap na lamang ng ibang mapagkakakitaan dahil ayaw niyang pilitin ang hindi para sa kaniya ngunit dahil sa tuloy-tuloy na suporta ng kaniyang nanay ay nagpatuloy pa rin si Ivana na abutin ang kaniyang pangarap. Bagamat halos walang kumukuha kay Ivana, bumuhos naman ang proyekto para sa kaniyang bunsong kapatid na si Mona.

Photo credits: google.com

Kalaunan din naman ay nagkaroon ng maliliit na roles sa telebisyon si Ivana. Todo pa rin naman ang suporta ng kanilang nanay sa mga simpleng tagumpay na ito ni Ivana.

Photo credits: google.com

Pinatunayan ng kwento na ito ang kabutihan ng kalooban ni Ivana. Hindi lamang siya isang karaniwang Youtuber at aktres. Isa rin siyang magandang halimbawa ng isang mabuting anak na kahit saan man ay ipagmamalaki ang kaniyang pamilya. Marunong din siyang tumanaw ng utang na loob sa kaniyang nanay na walang-sawang sumuporta sa kaniya.