Isang Pamilya, Ipinasilip ang Kanilang Naipundar na Simpleng Bahay Kubo na Kanilang Naipatayo sa Halagang Php35k

Hindi biro ang magpagawa ng isang modernong tahanan,dahil halos mahigit isang milyong piso ang halaga na maari mong mailabas sa pagbuo nito, kaya naman ang iba sa atin, ay mas pinipili na manirahan sa isang bahay-kubo, kung saan kahit na maliit o simple ito, ay magiging isang kumportable naman itong kanlungan ng ating pamilya.

Halimbawa na lamang ito ay ang isang pamilya na masayang naninirahan sa kanilang bahay-kubo, na nabuo sa halaga lamang na Php35,000. Ang naturang bahay-kubo ay may floor area na 3.5 x 5 meters.

Marahil maraming nagtataka sa atin kung paano nabuo ang naturang kubo sa maliit na halaga lamang, at ayon sa ulat ito ay dahil sa binuo ito ng padre de pamilya ng tahanan na isang karpintero, at katulong niya ang kanyang mga kapatid, na siyang tunay na nakakabilib.

Samantala, mapapansin naman na ang tanging kongkreto lamang sa bahay-kubo na ito ay ang sahig, at ang kabuuan na ay amakan at kahoy na ang ginamit na materyales. Para mas makatipid nga, ay minabuti na kawayan na lamang imbis na kahoy ang gamiting suporta sa amakan na ikinabit sa dingding. Mapapansin din na kahit ang mga bintana ng bahay-kubong ito, ay kawayan din.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Isa pa sa kagandahan sa pagsisimula ng ganitong tahanan, na isang bahay-kubo, ay maari itong kabitan ng isang kumportableng bubong na kaya ng bulsa o budget. Sakali ngang magkaroon ng extra budget, ay saka na lamang i-upgarde ang ibang bahagi nito para mas maging kumportable sa pamilya.

Kahit naman sawali ang diding ng bahay-kubo na ito at kawayan ang mga bintana, GI sheets naman ang bubong nito, imbis na nipa, na siyang madalas na gamit na bubong sa isang bahay-kubo.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Makikita naman sa mga larawan na ang ibang bahagi ng bahay-kubo na ito ay naka-double wallinn, na mas nagbigay ng kagandahan sa interior nito. Halimbawa na lamang ng bahaging sala, nan aka-double walling, kaya naman ito’y nalagyan ng wall paper na siyang nagbigay ng kagandahan at kulay dito.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Kapansin-pansin din ang kagandahan ng kitchen, na naka-organized ang mga kagamitan at mayroon ding wall paper ang mga dingding, kaya naman mas maaliwalas itong tingnan.

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Photo credits: Awesome Philippines | Facebook Page

Sa kabuuan naman ng bahay-kubo na ito, ay tunay na maipagmamalaki ito ng homeowner niyo, dahil kahit na ito ay maliit at hindi magarbo tulad ng ilan, isa naman itong maayos, malinis at kumportableng tahanan ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *