Isang Netizen, Masayang Ibinahagi ang Kanyang Napaka Cute na BTS-Inspired Workstation Corner 

Masarap at mas sisipagan kang magtrabaho kapag malinis ang iyong kapaligiran at nakikita mong ang maayos ang iyong mga kagamitan sa lugar na iyong pinagtatrabahuan o ang iyong workstation, ngunit marahil ay mas dodoble ang iyong kasipagan sa pagtatrabaho pag ang iyong workstation ay talagang good vibes ang hatid sayo.

Katulad na lamang nito ay ang ibinida na workstation ng isang netizen na talagangkahit na sino ay sisipagin at madalas na tatambay dito dahil sa goodvibes na hatid nito. Ang workstation corner na ito ay matatagpuan sa tahanan ng netizens na si Roxanne Lacap, at marami ang napa-wow dito dahil sa tema nitong patok ngayon, lalo na sa mga kabataan, kung saan ito ay BTS-inspired workstation corner.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Roxanne ang kanyang workstation corner, na mababakas ang pagiging girly nito at hahangaan din ang mga dekorasyon nito na BTS, ganun din ang pagka-organize ng kanyang mga gamit dito.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

“Hello mga kapitbahay!”

“First time ko po here, Try lang po.”

“Sharing my BTS-inspired workstation corner. Siyempre gusto natin always inspired at motivated tayo mag work kaya I’ve decided to decorate my workstation full of cute items and some BTS photos and merch”, aniya.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Para mas lalo na ganahan sa pagtatrabaho ay pinili umano ni Roxanne ang ayusin at lagyan ng dekorasyon ang kanyang working station corner, kung saan ilan umano sa mga dekorasyon na kanyang inilagay ay mga cute items, BTS photos, at merch.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Pagbabahagi ni Roxanne, malakig bagay ang mayroong maayos, malinis at makulay na workstation, dahil nakapag-e-energized ito lalo na kapag nakakaramdam siya ng pagod. Saad pa niya, isa pa sa nagpapagana sa kanya magtrabaho, ay ang pitong (7) Oppa, na kanyang iniidolo na ang mga larawan ay nakapaskil sa kanyang workstation.

“Kaya ayun feeling ko sobrang pagod ko na, titingala lang ako ng konte sa harap at nae-energized na ako kaagad. Siyempre sino bang hindi gaganahan magwork kung kaharap mo yung 7 mong Opp. Hehe”, ani pa ni Roxanne.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Kalakip ng pagbabahagi ni Roxanne ng napakaganda at makulay niyang workstation, ay ang pagsasaad din niya ng mga link kung saan niya nabili ang ilan sa mga kagamitan na nagpaganda sa area niyang ito kung saan siya nagtatrabaho.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Karamihan nga sa mga kagamitan at dekorasyon na nasa workstation corner niya, ay nabili niya sa shopee online shop, tulad na lamang ng kanyang pink table, pink metal drawer, pink chair, pink pegboard, purple rabbit faux fur, fake tulips, at Nordic vase.

Photo credits: Roxanne Lacap | Facebook

Mapapasana all nalang talaga tayo sa napakaganda at napaka-good vibes na workstation na ito ni Roxanne.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *