Isang Netizen I-pinarenovate ang Kanyang 40sqm na Bahay na Ngayon ay may Kahanga-hanga at Napakaganda ng Itsura Mula Labas hanggang Loob

Sa maraming pagkakataon, pagiging madiskarte at malikhain lamang ang kinakailangan upang maabot natin ang inaasam na bahay. Maging ang limitadong budget at sukat ng property ay hindi magiging hadlang upang magkaroon ng isang magandang tahanan. Patunay na rito ang bahay na ito na mayroon lamang 40 sqm.

Kung ikukumpara sa ibang tahanan ay maaaring masabi na kakaunti lamang ang pwedeng magawa rito. Kung minsan nga ay sapat na ang isang simpleng receiving area, kusina, dining space, comfort room, at ilang kwarto. Ngunit dahil sa tulong ng isang contractor na mayroong Facebook username na Edward Cipriano ay ibang-iba ang kinalabasan ng bahay na ito.

Kung titingnan ay talagang mayroong modernong disenyo ang bahay na ito at hindi mapapansin ang limitadong espasyo ng bahay. Sa labas pa lamang ay makikita na ang kulay puting pintura mula sa gate hanggang sa mismong bahay.

Upang magkaroon naman ng kakaibang feature ang itsura ng exterior ng bahay ay naglagay sina Edward ng bricks sa isang parte ng gate. Makikita rin ang outdoor lights sa iba’t ibang parte ng gate na ito. Bukod dito ay nagkaroon pa sila ng pagkakataon na maglaan ng espasyo para sa isang garahe.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Pagdating naman sa loob ng mismong bahay ay makikita ang living room sa isang banda. Mayroon itong simpleng couch, telebisyon, at maliit na espasyo para sa ilang kagamitan at memorabilia.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Sa kabilang banda naman ay makikita ang kusina at dining space. Masasabing matalino ang pagkakagamit ng espasyong ito dahil gumamit sina Edward ng isang counter table na maaaring magamit sa paghahanda ng pagkain at bilang isang dining table.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Sa kusina ay makikita ang pangkaraniwang L-shaped na counter, ilang storage space sa ilalim na bahagi nito, at mga floating cabinets. Mula naman rito ay makikita ang karagdagang storage space para sa mga wine at inumin at maging mga appliances sa ilalim ng hagdan. Upang magkaroon ng magandang detalye ang lugar ay naglagay rin sina Edward ng kakaibang mga ilaw sa parehong silid.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Sa comfort room naman ay mapapansin ang malawak nitong sukat. Sa katunayan, mayroon itong sink, toilet, shower at bathtub, at maging karagdagang rack para sa kanilang personal na kagamitan. Kumpara naman dito ay mapapansin na may kaliitan ang sukat ng mga kwarto.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Mayroon itong mga kabinet at sapat na espasyo para sa isa hanggang dalawang tao. Sa kabila nito ay mayroon namang balcony ang magmamay-ari ng kwartong ito.

Photo credits: Edward Cipriano | Facebook

Talaga nga namang pinagplanuhan nang mabuti ang pagpapagawa ng maliit na property na ito at bagamat limitado lamang ang sukat nito ay maganda pa rin ang naging resulta ng renovation na ito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *