Isang Ina, Ibinahagi ang Kanilang Nordic Minimalist House sa Florida na siya Mismo ang Nag Interior Design

Sa pagpapatayo ng isang family home, walang duda na importante ang disenyo nito kung saan magiging komportable at kuntento ang mga homeowners ngunit gaya ng family home na ito ay naging prayoridad din ng mga may-ari ng bahay ang kaligtasan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Sa living room pa lamang ng bahay na ito ay masasabi nang magara ang bahay dahil sa couch, carpet, at chandelier na pinili para dito. Upang maging mas personalized naman ang disenyo ng bahay ay naglagay sila ng mga litrato ng kanilang anak sa dingding ng bahay.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Kung mayroong neutral na mga kulay ang silid na ito ay mayroon namang wood na tema ang dining area dahil sa flooring gayundin ang mga upuan at mesa rito na gawa sa mga kahoy na materyales.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Gaya naman ng living room ay mayroon ding simple ngunit kakaibang chandelier ang bahaging ito ng bahay. Mula naman rito ay mapupuntahan ang simple ngunit functional na kusina ng bahay. Sa isang bahagi ng kitchen island ay mayroong mga bar stools na perpekto kung mayroong mga karagdagang bisita ang pamilya.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Sa kabilang banda naman ay ang work station kung saan makikita ang iba’t ibang kitchen appliances. Kapansin-pansin din ang napakaraming storage space ng kusina na perpekto para sa kanilang mga kagamitan at supplies. Sa kabilang gawi rin ng silid na ito ay makikita ang mini dining area para sa kanilang mga anak.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Bukod sa mga nasabing silid ay nakakabilib din na nakapaglaan ang homeowners ng silid bilang play area para sa kanilang mga anak. Mayroong neutral na kulay ang silid ngunit masasabi na ang pinaka-importanteng feature ng silid na ito ay ang carpet na nakakadagdag sa seguridad at kaligtasan ng mga bata.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Mapapansin din na bagamat maraming laruan sa play area na ito ay napapanatili pa rin ang organisasyon ng mga kagamitan dahil sa mga storage cabinet na makikita rito. Gaya ng playroom ay ibinahagi rin ng mga homeowners ang isang silid ng family home na mistulang mayroong tropical na tema dahil sa kulay at disenyo rito gayundin ang chandelier na gawa sa ratan.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Sa labas naman ng family home ay makikita ang kanilang swimming pool gayundin ang isang espasyo kung saan maaari silang makapagpahinga o magsalo-salo habang nag-eenjoy sa swimming pool na ito.

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Photo credits: Jean Claire Garcia Facebook

Mapapansin din na mayroong inilagay na pansamantalang pool fence sa palibot ng swimming pool upang mapanatili ang kaligtasan ng kanilang mga anak at alagang hayop.

Bukod nga sa magarang kabuuang disenyo ng bahay ay masasabi rin na pinag-isipang mabuti ang bawat detalye nito para sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *