“From Nothing to Everything” Dating Nangungupahan sa Isang Simpleng Bahay, May-Ari na Ngayon ng Bonggang Mansyon at mga Nagagandahang Sasakyan

Karamihan sa mga homeowners ay mayroong kahanga-hanga at nakakaantig na kwento sa likod ng kanilang magagarang mga tahanan. Dahil dito, talagang mas bumibilib ang iba hindi lamang sa kanilang mga bahay kundi pati na rin sa mismong homeowner.

Ito rin ang kwento ng homeowner na ito na nangupahan sa isang napakasimpleng kubo sa loob ng 26 na taon ngunit ngayon ay naninirahan na sa isang malaking mansyon.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Makikita sa isang Facebook post ni Ralph Lester de Castro ang magarang tahanan na kaniyang naipundar matapos ang ilang taong pagtitiis at pagsisikap sa trabaho. Sa living room pa lamang ng bahay ay makikita agad ang modernong disenyo nito.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Nakakabilib din ang kakaiba ngunit magandang kombinasyon ng kulay berde at gold na mga dekorasyon at mwebles sa iba’t ibang silid. Bagay na bagay naman dito ang iba pang mga kagamitan na gawa sa kahoy.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Nakakadagdag din sa pagiging elegante at grandiyoso ng buong bahay ang kakaibang mga chandelier na makikita sa living room at dining area.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Pagdating naman sa layout ng bahay ay mapapansin na open ito. Dahil dito, matatanaw agad ang kusina mula sa living room na makikita sa kabilang bahagi ng bahay.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Kumpara naman sa tema ng kulay sa living at dining area ay mapapansin ang mas simple na kulay puting tema ng kusina. Upang mapanatili naman ang kabuuang disenyo ng bahay ay naglagay rin sila ng mga gold accents sa mga kabinet.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Sa ikalawang palapag naman ng bahay ay makikita ang mga espasyo gaya ng balcony kung saan makakapagpahinga si Ralph at ang kaniyang pamilya.

Napakapresko rin ng bahaging ito ng bahay dahil sa mga halaman at sala set na inilagay rito. Bukod sa pagpapahinga ay maaari ding magsalo-salo rito ang buong pamilya habang tinatanaw ang magandang view mula sa kanilang tahanan.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Hindi rin mawawala ang napakalawak na master’s bedroom ni Ralph. Bukod sa kama ay mayroon ding isang couch at ilang kabinet sa kwartong ito na naglalaman ng kaniyang mga personal na kagamitan.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Ang ikalawang kwarto naman ay mayroong mas maliit na sukat ngunit magandang disenyo. Ibinahagi rin ni Ralph ang litrato ng ilang comfort room na mayroong iba’t ibang disenyo.

Photo credits: Ralph Lester de Castro | Facebook

Masasabi nga na talagang maganda ang bagong bahay na ito ni Ralph at talagang ibang-iba na ang kaniyang buhay ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *