‘From Basic House to Modern House’ Misis Ipinaslip ang Before and After ng Kanilang Tahanan, Mula sa Dating Simple na Ngayon ay Moderno na at Elegante

Ang tahanan ang isa sa pinaka pangunahing bagay na pangangailangan ng isang tao sa kanyang pamumuhay, kaya naman halos lahat naman talaga tayo ay nangangarap na magkaroon ng isang maayos, maganda at kumportableng tahanan para sa ating pamilya.

Hindi man biro ang pagkakaroon o pagpapatayo ng sariling tahanan, tunay naman na atin itong pinagsusumikapan na mabigyan ng katuparan para sa ating pamilya.

Samantala, inspirasyon naman ang naihahatid sa atin ng mga kababayan natin na dahil sa sipag, tiyaga at determinasyon ay nabigyan na ng katuparan ang pangarap nilang tahanan. Karamihan sa mga kababayan nating ito ay nagbabahagi ng kanilang naipundar na tahanan sa Facebook community page na Home Buddies.

Nito nga lamang nakaraan ay isa na naman misis ang proud na nagbahagi ng naipundar nilang dream home, isang tahanan na noong kanilang nabili ay simple lamang, ngunit dahil sa kanilang puspusang pagsisikap, ito ay kanilang napaganda. Ibinahagi niya ang larawan ng before at after ng tahanan nilang ito, at ayon pa sa kanya, dito nila bubuuin ng kanyang pamilya ang mas marami pang adventure at memories nila.

Sharing our Before and After Thank you, Lord
“Here’s to a new home, new adventure, new memories”
#Happy1stMonth
by: Furniture DEALS Philippines
Lights by: A & S Lamps Co. Inc.

Makikita naman sa mga ibinahaging larawan ng misis na kinilalang si Grace Tolentino, base sa kanyang Facebook profile, na ang tahanan nilang ito ay may dalawang palapag, at tila ito’y nakatirik sa isang subdibisyon o village.

Sa unang mga larawan, ay masisilayan ang dating hitsura nito, kung saan ito’y isang basic home lamang noon. Ngunit sa mga sumunod na larawan ay ipinakita na niya ang napakaganda ng exterior at interior nito, matapos nga nila itong ipaayos at pagandahin, na ang naging resulta ay ang pagiging isa na nitong modern house.

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Isa sa mga pagbabago na masisilayan sa before and after ng kanilang tahanan, ay ang pagkakaroon na nito ng gate, na hindi lamang basta-basta, kundi ang mga ganitong gate ay isa sa mga nauuso ngayon. Mapapansin din ang malaking pagbabago sa exterior na hitsura ng tahanan, at ang pagkakaroon nito ng magandang parkingan.

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Ipinakita din ng misis na si Grace, ang dating hitsura ng interior ng tahanan nilang ito, kung saan wala itong pintura o tiles ang flooring, kasunod nito ay ang larawan na kung saan naman masisilayan ang malaking pagbabago sa interior, kung saan napintahan na ng puti at may tiles na ang flooring. Makikita na din ang pagkakaroon ng magagarang kagamitan at dekorasyon sa tahanan nilang ito.

Sa living area ay makikita ang kulay abo na l-shaped sofa, at round glass center table, ganun din ang napakagandang ilaw na may kakaibang disenyo.

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Ang dining area at kitchen naman ay nasa iisang bahagi lang, ngunit sa kabila ng hindi ito kalahihan ay bakas naman ang pagiging maayos at organized ng mga kagamitan dito. Makikita din na mayroong maliit na counter, na siyang pumapagitan sa living area at dining/kitchen area.

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Hindi naman kalaparan ang toilet/bath area, sa kabila nito ay kumpleto naman ito sa kagamitan.

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Ayon naman kay Grace, karamihan sa mga kagamitan nila sa tahanan nilang ito ay nabili nila sa Furniture Deals Philippines, at ang mga ilaw naman ay sa A&Lamps Co. Inc.

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Photo credits: Grace Tolentino | Facebook

Ang tahanan nga na ito nina Grace, ang bagong kanlungan ng kanyang pamilya, kung saan bubuo sila ng maraming memories at adventures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *