Dimples Romana Naging Beauty Queen Muna Bago Naging Artista

Kinilala si Dimples Romana bilang isang magaling na aktres sa larangan ng showbiz. Madalas itong mapapanood sa telebisyon at sa pelikula kung saan una siyang lumabas  noong 1997 sa teleserye hit na Esperanza. Hindi nagtagal ay tuloy tuloy na ang pagsikat ni Dimples Romana at sunod sunod na ang kanyang mga TV Appearances katulad ng mga palabas noon 1999 hanggang 2003 na Tabin ilog.

Mas lalo pang sumikat si Dimples ng ganapan niya ang karakter na si Daniela Mondragon sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan mas ipinakita niya dito ang galing at talento niya sa pag-arte.

Nito lang nakaaraan ay nagviral ang mga larawan ni Dimples noong sumali siya sa Beauty Pageant ng Binibining Paranaque 2000 na ibinahagi ng Paranaque Tourism Official Page.

Photo credits: Paranaque Tourism Official Page

Ayon sa naging capture ng Facebook Page na si Dimples Romana ang tinanghal noon na Binibining Paranaque 2000 at nirerepresenta nito  Barangay Sun Valley. Ang Beauty Pageant na ito ay ginanap noong sa St. Paul College of Paranaque.

Mas naging especiall naman ang pageant na ito dahil kabilang si Miss Gloria Diaz sa mga horado kung saan siya noon ay ang kauna unahang Miss Universe na Pinay.

Photo credits: Paranaque Tourism Official Page

Makikita din sa mga larawan si Joey De Marquez kung saan siya ang tumatayong Alkalde ng bayan ng Paranaque noon.

Photo credits: Paranaque Tourism Official Page

Hindi man masyado nakilala si Dimples sa larangan ng Beauty Pageant ay nakilala naman ito ngayon bilang isa sa pinaka mahusay na aktres na humakot ng napakaraming parangal. Hindi na din mabilang ang mga nagawang pelikula at softopera ng aktres at hindi na din mabilang ang kanyang mga taga supporta.

Ilan sa mga napanalunan ni Dimples na Awards and Nominations ay ang Famas Awards, Gawad Urian, Golden Screen Award at Gawad Tanglaw kung saan nasungkit niya ang Best Supporting Actress, Best performance of an actress in a supporting role at outstanding supporting actress in a drama series.

Photo credits: Star Magic

Malayo na talaga ang narating ni Dimples pero hanggang ngayon ay nanatili pa din siyang humble sa lahat ng kanyang ginagawa.