Dating OFW na taga Teresa Rizal, Pinagawan ng Minimalist Loft Style House ang Kanilang Garahe na may Kamangha-manghang Disenyo sa Halagang Php1.7M

Talagang nauuso na ngayon ang simpleng mga tiny house na perpekto para sa mga young professionals at maliliit na pamilya. Dahil dito, na-inspire din ang engineer na ito na magpatayo ng isang loft extension sa halagang PhP1.7 million.

Ang loft na ito ay pagmamay-ari ni Marose Santiago, isang industrial engineer at OFW mula sa Singapore. Makikita nga ang loft na ito sa Teresa, Rizal. Mapapansin na bukod sa loft ay mayroon ding main house sa property na ito kung saan nakatira ang kaniyang magulang.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Napagtanto niya na kaiba pa sa bahay na ito ay kinakailangan din niya ng kaniyang sariling espasyo kaya naman minabuti niyang magpatayo ng isang tiny house. Ayon sa kaniya ay talagang importante ito para sa isang OFW na katulad niya dahil mayroon siyang komportableng espasyo para sa kaniya at sa kaniyang mga kaibigan.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Kwento ni Marose, dating garahe ang tiny house na ito ngunit upang magamit nila nang husto ang espasyo ay nagdesisyon silang magpagawa ng tiny house sa itaas na bahagi ng garahe.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Pagpasok sa bahay ay sasalubong ang foyer na mayroong itim na kulay, minimalist na mga dekorasyon, at muted panels na makikita sa iba’t ibang bahagi ng bahay.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Simple rin ang disenyo ng living area nito kung saan makikita ang ilang furnitures at telebisyon.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Mapapansin din ang paggamit ni Marose ng mga salamin sa iba’t ibang parte ng bahay upang magmukhang malawak ang sukat nito.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Dahil open ang layout ng bahay ay maaaring mapuntahan agad ang kusina na mayroong sukat na 12 sqm.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Upang mapanatili ang tema ng lugar ay pumili si Marose ng kulay itim na mga kabinet at center table.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Sa kabilang gawi ng kusina ay ang balcony. Perpekto ang pagkakalagay nila ng kusina at dining area kalapit nito dahil bukod sa maaaring makita ni Marose ang view ng kanilang probinsya ay pwedeng-pwede niya rin itong magamit bilang karagdagang dining space sa tuwing mayroon siyang mga bisita.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Sa mismong loft naman ng bahay ay makikita ang bedroom ni Marose. Mula naman dito ay maaaring mapuntahan ang isang mas malawak na balcony kung saan siya maaaring makapagpahinga.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Ibinahagi rin ni Marose ang comfort room ng bahay na mayroong toilet at shower area. Gaya ng ibang parte ng lugar ay mayroon ding kulay itim na tema ang silid na ito.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Gumamit din si Marose ng sliding door para dito upang makatipid siya sa espasyo. Mula rito ay makikita ang isang minimalist na cabinet kung saan inilalagay ni Marose ang kaniyang mga personal na kagamitan.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Talagang kahanga hanga ang pagkakadisenyo at pagkakagawa ng Minimalist Loft na ito ni Marose Santiago kung saan lahat ng kanyang pangangailangan ay nandito na at lahat ng kanyang gusto ay nasunod. Ngayon ay komportable siyang naninirahan dito.

This Engineer Built a 1.7 M Minimalist Loft — And it Has Never Been More Homey | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *