Dating Babuyan, Poultry Farm at Fish Pond ng Mag-asawa sa Culion Palawan, Ginawa nilang Retirement Place na Mayroong Pool, Magandang Tanawin at Eco-Friendly Tiny House

Ang paghandaan ang ating retirement ay tunay na isang mabisang pamamaraan, hindi lamang para sa ating sarili kundi higit maging sa ating pamilya. Iba’t iba ang ginagawa natin para sa paghahanda sa ating magiging retirement, may iba na puspusan ang ginagawang pag-iiipon, at mayroon namang iba na mas napapa-ibig na mag-invest sa isang lugar na siyang magiging retirement place niya at ng kanyang pamilya.

Si Max Raymundo ay isa lamang sa mga kababayan natin na naging masigasig sa pag-iisip ng isang bagay na pakikinabangan niya at ng kanyang pamilya kapag nagretiro na sila ng kanyang asawa kung saan ang naisipan niyang gawin ay ang gawing isang eco-friendly retirement place ang kanilang lupain na ayon sa kanya ay dati nilang babuyan at poultry.

Sa YouTube channel na OG, ay masayang ipinasilip ni Mr. Max Raymundo ang kanilang napakaganda at eco-friendly na retirement place, na tinawag nilang Villa Rosalina Farm Resort na matatagpuan sa Culion, Palawan. Pagbabahagi ni Max habang ipinapisilip ang kagandahan ng kanilang properties na Villa Rosalina Farm Resort, ang lupain umano kung saan ito nakatirik ay mayroong sukat na 3-hektarya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Kuwento niya, nagsimulang mabuo ang kanilang retirement place na ito ng magsimulang kumita ang kanilang manukan. Bago pa man niya maisip ang pagbuo nito, ay iniisip muna umano niya, kung ano ang pinakamagandang regalo na maari niyang maibigay sa kanyang misis, hanggang sa ito ang naisip niya ang bumuo ng isang napakaganda at nakakarelaks na retirement home para sa kanila.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Unanag ipinasilip ni Max ang loob ng kanilang modern at napakagandang tiny house, kung saan ang unang bahagi na kanyang ipinakita ay ang kanilang mini living area. Mapapansin naman ang kawalan ng telebisyon sa living area, at ayon kay Max ay sinadya nila na walang TV dito, upang mas maging family bonding area ito, kung saan mas makakapag-usap at kuwentuhan silang pamilya. Isa naman sa mga agaw-pansin sa living area ay ang isang portrait, na ayon kay Max ang larawan dito ay real picture ng prenup nilang mag-asawa at gawa ito ng isa sa mga local artist nila sa Culion.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ipinakita din ni Max ang paborito niyang spot sa kanilang tiny home, at ito ay ang bar area. Isa naman sa talagang nakakamangha sa loob ng tiny home nina Max ay ang kanilang Comfort room, na hindi kaagad mapapansin kung nasaan, dahil sa ang pintuan na patungo rito ay isang malaking sliding wall mirror.

 

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Pag-slide ng naturang wall mirror, ay agad na bubungad ang malinis, at eleganteng comfort room, na may temang black and white. Sa comfort room din ay mayroong bahagi na kung saan nagsilbing closet area, dahil ayon kay Max ay naririto na ang kanilang mga damitan. Ipinasilip din niya ang kanilang bath area, na mayroong bathtub at shower.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Isa naman sa talagang kapansin-pansin sa tiny home nina Max ay ang mga naglalakihan nitong glass windows, kung saan ayon sa kanya, ay ipinasadya nila, dahil sa mas nais nila na ma-frame ang natural landscape na parang painting. Ang kagandahan din umano sa pagkakaroon ng malalaking bintana, ay ang pagpasok ng sariwang hangin sa loob ng kanilang munting tahanan.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Bagama’t tiny home ang tahanan na ito nina Max ay mayroong itong silid tulugan at attic, at patungo rito ay ang hagdanan na gawa umano sa plywood na pininturahan ng mala-nara, at ang railings nito ay bakal na pinintahan naman ng kulay black. Sa hagdanan ay mayroong wall na nagsilbing kanilang small gallery, kung saan makikita ang mga larawan ng kanilang masayang pamilya.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Ang ikalawang palapag ng kanilang tiny home ay mayroong dalawang portion, ang kanilang bedroom at ang atiic area. Sa kanilang bedroom ay makikita ang isang family size na kutson. Ipinakita din niya ang isang mini display area ng mga koleksyon niya ng mga special characters. Kasunod naman nito ay ipinasilip niya ang area ng attic, na minsan ay ginagawa ding tulugan ng mga bumibisita sa kanilang kamag-anak, o di kaya naman ay play area ng mga bata.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Matapos ipasilip ang kabuuan ng kanilang modernong tiny home, ay ipinakita naman ni Max ang kanilang pool area, na ayon sa kanya ay ito ang dati nilang palaisdaan. Saad niya, tatlo ang kanilang pool, ang isa ay may lalim na 6ft at ang dalawa naman ay inilaan ang sukat ng lalim sa mga bata.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube Channel

Tunay namang napaka eco-friendly ng retirement place na ito nina Max, dahil napapalibutan ito ng maaliwalas at luntiang tanawin. Ayon kay Max, ang kanilang tiny home ay may sukat na 5×5 meter, at ang buong area naman kasama ang pool at ang pavillon ay mayroong sukat na 15×15 meters.

Eco-Friendly Tiny Home Living: How This Couple Built a Sustainable Retreat | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *