Bea Alonzo, Ipinasilip ang Kaniyang Napaka Eleganteng Japandi-Inspired Office

Sa panahon ngayon kung saan marami pa rin ang nasa work-from-home setup, importante ang pagkakaroon ng isang maayos na workspace. Hindi na nga naiiba rito ang mga artista gaya na lamang ni Bea Alonzo. Ayon kay Bea, itinuturing niyang santuwaryo ang kaniyang sariling bahay.

Sa isang vlog ay ibinahagi nga niya ang isang house tour at makikita ang kaniyang mini office kung saan siya nagtatrabaho lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Bagamat komportable at mas convenient ito para sa kaniya, hindi pa rin ito nagustuhan ng aktres lalo na at naiuuwi niya ang trabaho sa loob ng kaniyang santuwaryo. Dahil dito, minabuti niyang magkaroon na lamang ng isang hiwalay na workspace.

Kwento ni Bea, nais niyang sundin ang Japandi style para sa mini office na ito. Ayon nga sa kaniyang vlog, ang Japandi style ay mayroong kombinasyon ng Scandinavian at Japanese na tema na sa kabuuan ay nagkakaroon ng minimalist at simpleng disenyo. Perpekto umano ito para sa panlasa ni Bea dahil nais niyang magkaroon ng kalmado ngunit functional na ambiance para sa workspace na ito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Pagpasok pa lamang sa workhub ni Bea ay makikita agad ang kulay cream na flutted panels at french mirror wall sa magkabilang bahagi ng foyer. Talagang perpekto ito para sa kagustuhan ni Bea na magkaroon ng minimalist at fluid na tema hindi lamang sa entrance ng bahay kundi pati na rin sa buong espasyo.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Kung aakalain ay mistulang simpleng dingding lamang ang sliding flutted panels na ito ngunit sa likod nito ay ang kitchenette. Simple lamang ito at mayroong kakaunting kagamitan at appliances.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Mapapansin din na gawa sa carrara marble ang kaniyang counter samantalang gawa naman sa kahoy ang mga kabinet. Bukod dito, makikita rin sa likod sa french mirror wall ang electrical panel board at bathroom na napalilibutan pa rin ng carrara marble at tiles.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Maging sa living area ay mapapansin naman ang parehong minimalist na tema gayundin ang mga flutted panels. Sa kabilang bahagi naman ng espasyo ay ang dining area na ginagamit din bilang board room. Dito madalas na nagtatrabaho si Bea at ang kaniyang buong team. Kung minsan naman ay dito rin siya naghahanda para sa kaniyang trabaho.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Dagdag pa sa mga ito ay naglaan din si Bea ng isang maliit na espasyo para sa isang mini studio.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Hindi rin naman kumpleto ang workhub kung wala ang balcony kung saan maaaring makapagpahinga ang aktres matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho.

MY NEW JAPANDI-INSPIRED OFFICE TOUR! Renovating my Condo into a Creative Workspace | Bea Alonzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *