“BAHAY muna, bago KASAL” Magkasintahan, Masayang Ibinahagi ang Kanilang Bahay at Sasakyan na Magkatulong nilang Naipundar

Nakakatuwang makita ang mga batang homeowners na nakakapagpatayo agad ng kanilang dream house. Kahanga-hanga rin ang dedikasyon, oras, at perang ginugol nila upang maipatayo lamang ito. Isa na nga rito ang netizen na si KC Pasia at ang kaniyang nobyo.

“‘NEW YEAR, NEW HOME 
BAHAY muna, bago KASAL 
Year 2020 when we purchase this house.
Nung una kabado pa since mejo malaki yung monthly ng bahay, pareho lang kasi kami mula sa simpleng buhay at pamilya.  But with the partnership that we have and with the guidance and blessing of our Lord, nakaya naman and nakakaya  #TYLord Kailangan lang talaga ng lakas ng loob, tiwala sa isa’t-isa at disiplina safinances para masimulan. 
Thank you din sa ever supportive family namin. 
Yes, nagde-date at gumagala pa din minsan, but we are more focus on our priorities and goals  Tumatanda na kasi tayo 
1. BAHAY
2. SASAKYAN
3. LIFE INSURANCE
4. KASAL
Ano kaya NEXT na MAJOR GOAL?
Pero GOAL naman muna namin this 2023 is makumpleto muna yung gamit sa bahay. #TeamKahoy
#TeamEstetik sana 
Open for suggestions and recommendations for the interior my dear ka-home buddies  Thank you in advance 
THANK YOU LORD 
PS. May caption every picture 
#RelationshipGoals
#NewYearNewHome
#TeamKahoy
#InsureInvest
#ProtectYourIncome
#PrayWorkLoveInvest
#ThankYouLordGodForEverything”

Ayon kay KC, taong 2020 nang mabili nila ang bahay na ito at mula nga noon ay unti-unti na nila itong napaganda. Talaga namang masasabi na importante ang bahay na ito para kay KC at sa kaniyang nobyo dahil naging hands-on sila sa pagpapaganda nito.

Photo credits: KC Pasia | Facebook

Isa nga sa mga litratong ibinahagi ni KC ay kinuha noong taong 2021 nang bisitahin nila ang bahay upang personal nilang makita ang konstruksyon na ginagawa para dito.

Photo credits: KC Pasia | Facebook

Noong sumunod naman na taon ay nakapaglagay na rin sina KC ng iba’t ibang mwebles gaya na lamang ng high table at chairs na talagang ipinasadya nila para lamang sa bahay na ito.

Photo credits: KC Pasia | Facebook

Mapapansin naman sa parehong litrato na bagamat kakaunti pa lamang ang mga kagamitan dito ay maayos na rin ang flooring gayundin ang layout ng kanilang kusina. Dagdag pa rito ay kapansin-pansin din ang simpleng puting kulay ng mga dingding na perpekto at siguradong babagay sa anumang disenyo at mga dekorasyon na mapipili nina KC.

Photo credits: KC Pasia | Facebook

Makikita nga na ngayon pa lamang ay talagang maayos na ang bahay na ito ngunit ibinahagi ni KC na ngayong taon ay plano nilang makumpleto ang iba pang mga kagamitan para sa bahay sa tulong na rin ng mga suhestiyon mula sa iba.

Bagamat makikita ang tuloy-tuloy na pagpapaganda ng bahay na ito ay inamin nina KC ang kaba na kanilang naramdaman noong binili nila ang bahay na ito.

Photo credits: KC Pasia | Facebook

Gaya ng ibang mga homeowners, talagang hindi naman ito maiiwasan lalo na kung may kalakihan ang buwanang bayarin para dito.

Sa kabila nito, nakakatuwa pa rin na ipinakita ni KC at ng kaniyang nobyo ang reyalidad ng pagbili at pag-aayos ng isang tahanan. Dahil dito, hindi malayong makapagbigay rin sila ng inspirasyon sa mga nagpaplanong magkaroon ng kanilang sariling property.

Photo credits: KC Pasia | Facebook

Sa katunayan, nagbigay rin sila ng payo para sa iba. Ayon kay KC, bukod sa tulong ng Diyos gayundin sa matatag na relasyon nilang dalawa ay talagang pinairal nila ang katatagan ng loob, tiwala sa isa’t isa, at disiplina lalo na sa paghawak ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *