Angel Locsin Tinanong ang Kanyang Ama sa Isang Vlog Kung Sino nga ba sa kanyang mga Naging Boyfriend ang Pinaka Ayaw nito

Ang aktres na si Angel Locsin ay isa nga sa pinakakilala at may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung marami rin ang lalaking kanyang napaibig. Ilan lamang nga sa mga naging ex-boyfriend ni Angel ay sina Luis Manzano, Phil Younghusband, Oyo Sotto, at yumaong aktor na si Miko Sotto.

Ngunit, kamakailan lamang sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama ni Angel sa kanyang vlog ang kanyang amang si Angelo Colmenares at sumalang sa hot seat para tanungin ng ilang katanungan. Nito lamang ika-5 ng Marso ay si Daddy Angelo ang bida sa Youtube channel nila ng kanyang asawang si Niel Arce.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Dahil nga ipinagdiwang ni Daddy Angelo ang kanyang 95th birthday, ay espesyal ang vlog na ito ni Angel.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Nang araw nga na iyon ay inusisa ni Angel ang kanyang ama, at itinanong kung sino sa kanyang mga naging ex-boyfriend ang pinakaayaw nito.

“Sino sa mga naging ex ko ang pinakaayaw mo?” tanong ni Angel.

“Nandidito, ha! Nakalagay. Ayoko ito tanungin ha!,” dagdag pa ng aktres sabay turo sa hawak niyang cue card.

Hindi naman maiwasan ni Angel ang matawa habang tinatanong ang kanyang ama,

“Huwag kang magalit.”

Ngunit, ang tanong na ito ng aktres ay hindi diretsahang sinagot ng kanyang ama, bagkus nga sumagot lamang ito ng “Nakalimutan ko ang pangalan.”

Samantala, sa nasabing vlog ay inalam rin ni Angel ang reaksyon ng kanyang ama nang magpaalam si Niel rito para pakasalan si Angel, bago ito mag-propose noong 2019. Kwento naman ni Angel, ang alam lamang niya ay ang ginawa ng kanyang asawa noon kung saan nga “a week before Father’s day, ay kinausap umano ni Neil ang kanyang ama. At ayon pa nga kay Neil, ang buong akala pa raw ni Daddy Angelo ay tungkol sa negosyo ang kanilang pag-uusapan. Ang kapatid naman ni Angel na si Ella, ang nagbigay linaw na ang pag-uusapan nga ng dalawa ay tungkol sa proposal ni Neil kay Angel para pakasalan ang aktres.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Bilang isang ama naman, ay masaya si Angelo para sa kanyang anak na si Angel dahil natagpuan nito sa katauhan ni Neil ang pag-ibig at kaligayahan na hinahanap ng puso.

“First of all, I want you to be in good hands and nasa age ka na,” sabi ni Angelo kay Angel.

Ibinahagi naman ni Angelo ang lesson pagdating sa pag-ibig na kanyang maibibigay sa kanyang anak.

Ayon nga kay Angelo,

“Kailangan talaga to be happy in a married life, take good care of each other every day and put Christ in the center of your life.”

Matatandaan na noong Hunyo 29, 2019 nang ianunsiyo nina Neil at Angel ang kanilang engagement. At noong Hulyo 26, 2021 nga ay ikinasal na sila sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Conversations with my Father | The Angel and Neil Channel