Sabi nga nila ang buhay ng mag-asawa ay mas gagaan kapag sila ay parehong nagbibigay suporta sa isa’t isa at nagtutulungan anuman ang mga bagay na kaharapin nila.
Isa sa mga bagay na kinakaharap ng mag-asawa, ay ang pagtupad sa kanilang mga pangarap para sa binuo nilang pamilya, at isa na sa mga ito ay ang pagkakaroon nila ng sariling tahanan na maayos, malaki at ‘yung kumportable silang maninirahan.
Mas nagiging madali ang pagtupad ng mag-asawa sa kanilang pangarap kung sila ay nagtutulungan, katulad na lamang nito ay ang isang mag-asawa na nakapagpundar ng kanilang pangarap na tahanan dahil sa kanilang pagsuporta sa isa’t isa at pagtutulungan.
Sa Facebook community page na Home Buddies, ay isang mister ang nagbahagi ng mga larawan ng kanilang naipundar na tahanan.
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Ayon sa kanya, ang pangarap nilang ito na mag-asawa ay nabigyan ng katuparan dahil sa suporta at paniniwala sa kanya ng misis niya
Kuwento ng mister na si Felix Clark Ybanez, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang misis, dahil magmula ng bumuo sila ng pamilya at itigil niya ang pagbibigay ng regalo dito sa tuwing may mga espesyal na okasyon, ay naintindihan umano siya nito, sapagkat ito ay ginawa niya upang makaipon at mas bigyan ng prayoridad ang mas mahahalaga pang bagay para sa kanyang pamilya.
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Pinasalamatan din niya ang misis niya sa pagsama at pagsabay nito sa kanya, saan man siya dalhin ng agos ng buhay.
Ibinahagi din niya ang lahat ng pinagdaanan nilang mag-asawa bago nila natupad ang pangarap nilang magkaroon ng sariling tahanan.
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Saad pa niya, silang mag-asawa ay nagtiis na manirahan sa maliit na masikip na tahanan ng sila ay bumukod, dahil mas prinayoridad muna nila ang pagpundar ng negosyo bago ang magpatayo ng magandang bahay kahit may ipon na ay inunan nila ang pagnenegosyo.
Samantala, dahil sa kanilang pagtutulungan na mag-asawa at ibinigay na suporta sa kanya ng misis niya ng muli siyang magsimula ng negosyo, heto na nga’t lahat ng kanilang pagtitiis, pagsisikap at pagtityaga ay nagbunga na.
Sa ngayon, ay proud na ibinahagi ni Felix, ang kanilang napakagandang tahanan na naipundar. Maliban pa sa tahanan ay nakapagpundar na din sila ng kanilang sariling sasakyan.
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Sa ibinahaging larawan ni Felix ay masisilayan ang kanilang dalawang palapag na magandang tahanan. Tulad ng ibang nauuso ngayon, ang tahanan nilang ito ay mayroong modernong disenyo at magagara ring kagamitan.
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Photo credits: Felix Clark Ybanez | Facebook
Narito ang buong post ni Felix na ibinahagi sa Facebook Group na Home Buddies,
“Simula nung nagka Anak na kami hindi ko na ni Reregaluhan asawa ko.”
Appreciation post to sa Wifey ko na hindi nagagalit kahit na ilang Valentine’s Day, New Year and Christmas, Wedding Anniversary and Birthday na wala akong Gift.
Nagging practikal na kasi agad 20 Years Old palang ako nung nagka Baby tayo. Wala pang ipon.
Salamat sa pag sama at pagsabay sakin sa pag Hustle from pa susyal na Events hanggang sa Bangus nandyan ka.
Salamat sa Tiwala sa akin sa mga na Start ko and NATIN na Business kahit na nag Fail yung iba atleast NGAYON. Masasabi ko na 12 Business na Start yung 3 Business natin ngayon eh Successful naman kahit papaano.
Salamat sa pag titiyaga at pag tiis sa bahay natin lalo na nung Time na Bumikod na tayo ng sarili natin. Struggle talaga kahit na mainit at Masikip yung Bahay. Pinag hahawakan lang natin nun is yung word na “SOON.”
Salamat sa pag Titiwala sa akin na yung Bahay is malaking Liabilities hindi Asset.
Naalala ko nun nakapag ipon kayang kaya na natin ipagawa yung Bahay ng Fully Furnished and ALL pero nung sinabi kong may Opportunity sa NEW Business na Start ko nag tiwala ka sa akin kahit na laging ALL IN.
Hanggang sa nagkaroon na ng ipon kahit papaano. Nakita ko na hindi parin nag bago.
Salamat sa hindi MASYADO pag Bili ng Damit, Milktea at Shoppe.
At hanggang sa ito na nga!
Fast Forward may Sariling sasakyan, Sariling Facility at natapos natapos din yung LOOB ng bahay. Sa Loob lang kahit hindi pa ganun ka tapos atleast masasabi ko na Comfortable na tayo, kahit papaano pwede na i pasa Story mo and yung Bahay mo dito sa Home Buddies. Hahaha.
Happy 29th Birthday! Sorry wala parin akong Regalo. Hahaha
Don’t worry Over night tayo sa Norway habang tinitignan aurora buriales tapos mag Di Dinner tayo sa Yatch habang tinitignan ang Sunset sa Greece. “SOON”
PS : Isa din sa mga Dream niya is makapag Post ng bahay niya dito. Hahaha. Kahit hindi ganun ka Ganda, Literal na Dugo at Pawis namin to.
Thanks sa pag Accept Admin.
Tunay na sa pagtutulungat at suportang maibibigay ng mag-asawa sa isa’t isa, kahit anong pangarap ay maaring makamtan.