Silipin ang Php700,000 Modern Elevated House na ito na may Malawak na Beranda, Swak na swak Maging Retirement Home sa Probinsya

Talagang nakakabilib ang mga homeowners na nakakapagpatayo pa rin ng magandang tahanan sa kabila ng kanilang limitadong budget.

Gaya na lamang ng bahay na ito ngunit kaiba sa mga pangkaraniwan at modernong mga tahanan ngayon, mapapansin na elevated ang bahay na ito.

Sa halip naman na isang magandang porch ang makikita sa labas ng bahay ay isang napakalawak na balcony ang sasalubong sa may-ari o sa kaniyang mga bisita.

Bukod sa malawak na sukat ng balcony na ito ay mapapansin din na nakapalibot ito mula sa harap hanggang sa magkabilang bahagi ng bahay.

Mayroon ding built-in benches sa balcony na ito kaya naman komportableng makakapagpahinga ang mga may-ari habang tinatanaw ang magandang kapaligiran ng bahay.

Dagdag pa sa mga built-in benches na ito, pwedeng-pwede ring maglagay ang mga may-ari ng isang sala set o ilang upuan at mesa dahil maaaring maging isang al fresco dining space ang balcony na ito.

Pagdating naman sa loob ng bahay ay makikita ang isang pahabang espasyo na maaaring magamit bilang living room. Dahil sa lawak ng espasyong ito, maaaring magamit ang isang bahagi ng lugar bilang dining space o kaya naman ay bilang isang opisina.

Para naman sa pamilya na maninirahan sa bahay na ito, bukod sa balcony ay maaari nilang magamit ang maliit na espasyo sa living room bilang play area para sa kanilang mga anak.

Minimalist naman ang kabuuang disenyo ng kusina ng bahay. Kumpara naman sa ibang parte ng bahay ay mapapansin na may kaliitan ang silid na ito. Sa kabila nito, mayroong sapat na espasyo para sa mga mahahalagang kagamitan ng kusina. Makikita rin ang ilang storage space sa ibabang bahagi ng counter table.

Dagdag pa sa mga ito, maaari pang maglagay ang mga may-ari ng ilang shelves sa itaas na bahagi ng mga dingding upang magkaroon sila ng karagdagang espasyo para sa ilan pang mga kagamitan at supplies.

Kung nais naman nilang magkaroon ng mas malawak na espasyo para sa paghahanda ng makakain, pwedeng-pwede rin silang maglagay ng isang counter table sa kabilang bahagi ng silid.

Bukod sa mga silid na ito ay mayroon ding isang pribadong kwarto at simple ngunit modernong comfort room ang bahay.

Mapapansin na bagamat moderno ang disenyo ng tahanan na ito, simple lamang ito kumpara sa iba pang mga bahay. Kahoy rin ang ginamit sa ilang parte ng bahay kaya naman sa kabuuan ay umabot lamang sa PhP700,000 ang nagastos ng mga homeowners sa konstruksyon nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *