Silipin ang Php2.5M 3-Bedroom House na Ito na Mayroong Napakaaliwalas na Living Room Dahil sa Naglalakihan na Glass Windows

Sa karamihang pagkakataon, karaniwang ginagamit ang mga tahanan sa loob ng napakatagal na panahon kaya naman totoong ang bawat tahanan ay binigyan ng sapat ng panahon at atensyon upang masiguro na hindi lamang ito matibay kundi talagang napakaganda at kakaiba rin.

Sa labas pa lamang ng bahay ay unang mapapansin ang tatlong sections ng kanilang bubong. Kung ang ibang mga bahay ay karaniwang kakikitaan ng bubong na hugis tatsulok o kaya naman ay ang mga modernong bubong ngayon, hip naman ang hugis ng tatlong bubong ng bahay na ito.

Bukod dito, napalilibutan din ng glass windows ang bahay. Kumpara naman sa ibang mga tahanan na mayroong simpleng mga dingding, kakaiba ang bahay na ito dahil napalilibutan din ito ng iba’t ibang mga bricks.

Kaiba naman sa simpleng kulay ng bahay sa labas, mayroong matitingkad na kulay ang mga silid sa loob ng bahay gaya na lamang ng living room na mayroong lime green na kulay.

Dagdag pa rito, kapansin-pansin din ang malawak na open space at ang pagiging maaliwalas ng silid na ito dahil sa mga naglalakihang glass windows.

Mula naman rito ay mapupuntahan ang kusina sa pamamagitan ng isang glass door. Gaya ng living room ay mayroon din itong lime green na kulay. Makikita naman na bagamat may kaliitan ang L-shaped counter ng kusina ay talaga namang napakalawak ng silid.

Dahil dito, maaari nilang mailagay ang kanilang mga appliances gayundin ang mga karagdagang shelves at counter tables para sa ilan pang mga kagamitan at maliliit na appliances.

Pagdating naman sa tatlong kwarto ng bahay ay mapapansin pa rin ang parehong kulay at tema ng bahay. Perpekto naman ang iba’t ibang sukat ng mga kwarto para sa master’s bedroom at para sa mga kwarto ng iba pang miyembro ng pamilya.

Bagamat iba-iba ang sukat ng mga kwartong ito ay siniguro pa rin ng mga may-ari na maaliwalas pa rin sa lahat ng silid ng bahay.

Bukod sa mga ito, talagang pinagplanuhan din nang mabuti ang disenyo ng nag-iisang comfort room ng bahay.

Gaya ng nabanggit, talaga naman na masasabing maging ang mga maliliit na disenyo sa bawat sulok ng bahay na ito ay binigyan ng atensyon at sapat na panahon sa pagpaplano kaya naman hindi na nakapagtataka na umabot sa PhP2.5 million ang nagastos upang maipatayo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *