Silipin ang Php2.4M L-Shaped Design House na ito na may Malawak na Beranda, Dalawang Silid Tulugan, Dalawang Banyo at Napaka Aliwalas na Panloob na Disenyo

Isang napakagandang L-shaped 2-bedroom house ang ngayon ay agaw-pansin dahil sa pagkakaroon nito ng malawak na frontage. Ang tahanan na ito ay mayroong malawak na balkonahe sa harap, kaya mas nagmistula itong open at napaka-kumportableng tingnan. Dahil din sa kaaya-aya at malawak na balkonahe ng tahanan na ito ay mas naging welcoming din ang vibe nito.

Maliban sa napakagandang disenyo ng tahanan na ito, ay kapuri-puri din ang napakagandang mga pananim na nakapaligid dito, ganun din ang mga grey tones na disenyo sa walls nito na nagpa-stand out pa sa disenyo at ganda ng tahanang ito. Ang tahanan na ito ay mayroong disenyong contemporary at may napakaraming interesting angels sa iba’t iba nitong bahagi.

Kung napakaganda ng disenyo sa labas ng tahanan na ito, ay kamamanghaan din sa ganda ang interiors nito na mayroong pagka-quite stylish. Sa pagkakaayos ng loob ng modernong tahanan na ito, ay masasabi na bawat bahagi nito ay talagang plinano at pinag-isipan ang bawat ideya.

Mapapansin naman na ang harapan ng L-shaped house na ito ay dinesenyo sa paraang makakagawa ito ng several porch section na interconnected sa isa’t isa.

Makikita din ang malawak na hagdanan sa harapan, na maaring maging daan patungo sa ibang spots ng tahanan na ito.

Makikita naman na ang tahanang ito ay mayroong several section ang bubong, at ang ceiling materials din nito ay tila kakaiba, dahil sa ang main roof nito ay mayroong white panel ceiling samantala sa may bandang balkonahe naman nito ay tila brown wood material ang ginamit.

Talaga namang kahanga-hanga ang interiors ng tahanan na ito, maging ang mga silid-tulugan nito ay kamamanghaan ang tema at pagkakaayos.

Mapapansin na ang silid-tulugan at bathroom nito ay parehong napipintahan ng kulay asul, at talagang napakarami nitong mga espasyo, na hindi lamang kakasya ang isang malapad na higaan kundi maging malaking closet at dresser.

Mapapansin naman na ang sahig ng bedroom ng tahanan na ito ay mayroong tiles na wood-inspired.

Samantala, ang living area naman ng tahanan na ito ay malawak din at napipintahan naman ng puting kulay ang dingding at maging ang floor tiles nito ay kulay puti rin.

Napakaganda din ng kusina nito na L-shaped din ang disenyo, at ito ay may hood at modern oven.

Mapapa-wow ka din sa ganda ng bathroom kung saan ang isa ay mayroong shower area samantala may full-side bathtub naman ang isa, at ang mga ito ay parehong may kaaya-ayang disenyo.

Ang 2-bedroom house na ito ay may sukat na 115 sqm at inabot ang halaga sa pagpapagawa nito sa Php2.4 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *