Silipin ang Pagmamay-Aring Heritage House ng Pumanaw na ‘Da King’ na si Fernandoe Poe Jr. sa Quezon City

Ilang magaganda at mararangyang tahanan na ng ating mga hinahangaang celebrity ang ating nasilayan, kung saan ay karamihan sa mga ito ay naitampok sa mga vlog.

At tunay ngang marami sa atin ang namamangha sa tuwing nasisilayan natin ang mga magagandang tahanan ng mga artista, lalo na’t minsan ay nakakakuha pa tayo ng mga magagandang ideya at disenyo para sa ating tahanan mula sa mga disenyo ng kanilang mga tahanan.

Photo credits: google.com

Samantala, isa sa mga tahanan ng artista na talaga namang labis na ikinamangha ng marami ay ang tahanan ng nag-iisang alamat, ng nag-iisang ‘Da King’ ng pelikulang Pilipino, at ito nga ay walang iba kundi ang nag-iisang si Fernando Poe Jr. o sa tunay na buhay ay si Roland Allan Kelley Poe.

Photo credits: google.com

Si Fernando Poe Jr. o FPJ ay nagsimula sa mundo ng showbiz sa edad na 14-taong gulang, kung saan dito na nga nagsimula ang lahat o ang kasaysayan ng kanyang kasikatan at karera.

Ikinasal si FPJ sa isa sa mga magagandang aktres at isa sa kanyang naging leading lady na si Susan Roces na siya ring tinaguriang ‘Queen of Philippine Movie’ sa mundo ng showbiz. Silang mag-asawa ay nanirahan sa bansang Amerika kasama ang kanilang adopted na anak na si Grace Poe.

Photo credits: google.com

Maliban nga kay Grace Poe ay mayroon pang dalawang anak si FPJ, kung saan ang mga ito nga ay sina Ronian at Lovie Poe na anak nga ni ‘Da King’ noong kanyang pagkabinata.

Nang magbalik sa Pilipinas ang mag-asawa kasama ng kanilang anak na si Grace, ay nagdesisyon si FPJ na pasukin ang mundo ng pulitika, ngunit hindi naman inasahan ng lahat na sa taong 2004 ay papanaw ang nag-iisang ‘Da King’, kung saan ito ay talaga namang ikinalungkot ng maraming mga Pilipino.

Photo credits: google.com

Ayon naman sa mga ulat, may naipundar na napakagandang tahanan ang mag-asawang FPJ at Susan sa Quezon, kung saan ito ay ipinamana nga nila sa kanilang anak na si Grace. Ang nasabing tahanan naman ang kasalukuyang tinitirhan ni Grace ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Kumbinasyon ng makabago at tradisyonal na disenyo ang nasabing tahanan, at ito nga ay mayroong tatlong palapag. Ang kulay ng mga dingding nito ay puti, ay sumasalamin naman sa kulturang Pinoy ang tradisyonal na disenyo sa loob nito.

Photo credits: google.com

Makikita naman na karamihan sa mga kagamitan dito ay mga antigo at ang iba naman ay may mga sentimental na halaga sa pamilya. Aggaw-pansin din sa loob ng tahanan ang isang ‘Sarimatok’ painting, kung saan ito ay likha ng national artist na su Abdulmari Imao.

Maging ang kusina at dining area ay mayroong tradisyunal na disenyo, at dito nga madalas na nagsasama-sama at nagsasalo ang pamilya, lalo na nga tuwing may okasyon o pagdiriwang.

Mayroon ding malawak na swimming pool ang nasabing tahanan, at dito naman madalas na naglalagi ang mga anak ni Grace lalo na kung walang pinagkakaabalahan ang mga ito.

Photo credits: google.com

Mahilig din magpinta ang anak nina FPJ at Susan na si Grace, kaya naman makikita rin sa ilang bahagi ng tahanan ang mismong obra nito.

Sa kabila naman na si Grace na ang nagmamay-ari ng nasabing tahanan ay naroroon pa rin at masisilayan ang maraming mga ari-arian at ala-ala ng kanyang mga magulang, ito nga ay dahil kagustuhan din niya mismo na manatili ang mga ito roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *