Silipin ang Napakagandang Budget-Friendly Brown House na ito na Naipatayo sa Halagang Php750k

Sa panahon ngayon, mahirap na makapagpatayo ng isang napakagandang tahanan nang hindi gumagastos ng malaki. Kadalasan nga ay umaabot na sa halos isang milyong piso ang halaga ng pagpapatayo ng mga simple ngunit konkretong tahanan.

Dahil dito, talaga namang nakakabilib ang pagpapatayo ng bahay na ito dahil bagamat mayroon itong dalawang kwarto, modernong disenyo at mga materyales na halos lahat ay konrekto, ay umabot lamang sa halagang kalahating milyong piso ang nailabas na pera ng mga may-ari upang maipatayo ito.

Ayon sa mga may-ari, inamin nila na nagawa nila ito dahil DIY ang konstruksyon ng bahay. Dagdag pa rito, maaari pang umabot sa PhP750,000 ang maaari nilang magastos kung sakaling kumuha sila ng mga laborers na gagawa ng bahay.

Sa kabila ng DIY na konstruksyon ng bahay, hindi rin naman maipagkakaila na mukhang gawa ng isang propesyonal ang bahay dahil sa ganda nito. Bubungad sa mga may-ari ang isang simpleng porch sa labas ng bahay.

Mayroon itong bubong hanggang sa carport na tamang-tama lamang ang laki para sa isang sasakyan. Bukod sa pagiging carport ay maaari din itong maging tambayan o play area. Para naman magkaroon ang pamilya ng mas maaliwalas na pahingahan, naglagay rin sila ng isang fish pond sa labas ng bahay.

Gaya naman ng ibang bahay ay makikita agad ang living room sa loob samantalang ang dining space naman ay makikita sa kabilang bahagi ng lugar. Masasabing simple lamang ang mga common areas na ito ngunit dahil sa kakaibang disenyo sa kisame ay nagiging maganda rin ang mga espasyo na ito.

Upang mas maging makulay naman ang kusina, gumamit sila ng iba’t ibang kulay gaya ng berde at asul para sa mga dingding at kisame. At dahil isa lamang ang palapag ng bahay na ito ay madaling mapupuntahan ang dalawang kwarto at comfort room.

Talagang simple lamang ang disenyo at layout ng tahanan na ito. Gaya ng mga may-ari ay maaari din naman itong magawa sa tulong ng kakaunting mga tao.

Ang mahalaga ay mayroon silang sapat na kaalaman at karanasan sa pagtatayo ng bahay upang masiguro hindi lamang ang kagandahan ng magiging resulta nito kundi pati na rin ang kaligtasan ng pamilyang maninirahan dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *