Silipin ang Napakagandang 2-Storey House na ito na may Disenyong Minimalist na Naipatayo sa Halagang Php2.5M

Iba’t iba ang gusto natin na disenyo at istilo ng ating tahanan, mayroon sa atin na mas gusting maraming kagamitan at makulay ito, at meron naman na mas nais na simple at tamang kagamitan lamang ang mayroon sa kanilang tahanan. Sa panahon ngayon, ay mas marami na sa atin ang mas pinilipili ang hindi magkaroon ng masyadong maraming abubot o disenyo sa loob ng ating tahahan, o kung tawagin ay ‘yong minimalist design lamang.

Samantala, isang 2-story house ngayon ang kinamamanghaan dahil sa pagka-minimalist nito, hindi lang sa exterior kundi maging sa insterior. Pinatunayan ng tahanan na ito, na ang isang tahana na may minimalist na tema at disenyo ay napakaganda at perpektong tahanan pa rin para sa isang pamilya.

Makikita sa mga larawan ng dalawang palapag na tahanan na ito ang pagkakaroon nito ng simpleng exterior, kung saan ito ay mayroong balkonahe sa main entrance nito, at kaparehong balkonahe din na nasa itaas na palapag nito.

Sa exterior pa lamang ng tahanan na ito ay kaagad ng kamamanghaan ang simple ngunit napakaganda nitong exterior design, kung saan mayroon itong napakagandang stone accent sa wall, na mas nagbigay ng kagandahan sa simpleng tahanan na ito.

Mapapansin din na tampok sa tahanan na ito ang pagkakaroon nito ng falt roof, na bumagay sa simpleng disenyo at istilo nito.

Isa din sa nagbigay ng kakaibang dating sa exterior design ng tahanan na ito ay ang pagkakaroon nito ng sliding glass door na ang frame ay napipintahan ng kulay ng wood na natural brown samantalang karamihan naman sa mga kagamitan sa loob ng tahanan na ito ay may kulay na pastel.

Napaka-relaxing din talaga ng bakuran ng tahanan na ito dahil ang kapaligiran nito ay napapaligiran ng mga luntiang halaman, maging sa loob mismo nito ay mayroong mga halaman na nagbigay dito ng tropical vibe.

Talaga namang napakaganda ng tahanan na ito, hindi lang dahil sa pagka-minimalist nito kundi maging sa mga kulay pastel na kagamitan na makikita sa iba’t iba nitong bahagi.

Tunay ding mula sa living area, porch, dining, bathroom at bedroom nito ay bakas ang pagka-minimalist ang napakarelaxing vibe dahil sa kaaya-aya nitong pagkakaayos at mga tema.

Sa mga nagnanais naman ng ganito kaganda at ka-relaxing na tahahan, ayon sa ulat ito ay nagkakahalaga ng at least Php2-milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *