Silipin ang Napakaganda at Napakaaliwalas na Farm House na ito na Swak na Swak na Maging Retirement House o di kaya naman ay Bahay Bakasyunan sa Probinsya

Kung marami sa atin ang nangangarap na manirahan sa malaki at magarbong tahanan, mayroon din naman na iba sa atin na mas gusto ang tumira sa simple, maliit ngunit maganda at nakakarelaks na tahanan.

Tunay na napakasaya din ang manirahan sa isang simple at maliit na tahanan, lalo na kung ang tahanan na ito ay mayroong maaliwalas na balkonahe, kung saan mula rito ay makakatanaw ka ng magandang tanawin.

Ang mga ganitong tahanan, ay madalas nting nakikita sa mga probinsya, at mas nagiging espesyal at kamangha-mangha pa ito, kapag mayroon itong hardin sa bakuran, o di kaya naman kapag ito ay nakatirik sa isang maliit na farm.

Katulad na lamang nito ay ang maliit na tahanan na ibibida natin ngayon, na sa kabila ng pagiging maliit nito, ay mayroon itong sapat na espasyo para sa pagkakaroon ng isang maayos na silid-tulugan, idagdag pa ang pagkakaroon nito ng balconahe na maypagka L-shape ang disenyo.

Hindi lamang ang disenyo ng tahanan na ito ang kamangha-mangha, dahil maging ang kapaligiran na nakapalibot dito ay tunay na hahangaan dahil sa pagkaluntian ng mga ito na talagang magbibigay ng nakakarelaks na pakiramdam sa sino mang maninirahan sa tahanan na ito.

Mapapansin sa tahanang ito na sinigurado ng homeowner nito na ang kapaligiran nito ay magiging karelaks-relaks, sa pamamagitan ng paglalagay ng iba’t ibang mga magagandang luntiang halaman sa palibot nito. Nagbigay kulay din sa kapaligiran, ang makukulay na mga tanim na bulaklak.

Ang ganitong uri ng tahanan ay nababagay sa mga mag-asawang retirado na sa kanilang mga trabaho, at ang nais na lang ay ang manirahan ng masaya sa isang tahimik na lugar. Ang maliit na tahanan din na ito ay maari ding maging panimulang tahanan ito ng mga mag-asawa na nagsisimula pa lamang o di kaya ay mayroon pa lamang nag iisang anak. Pwede ding gawing isang rest house o vacation home ang ganitong tahanan.

Sa mga nagnanais naman na magpagawa ng ganitong klase ng tahanan, sa kanilang farm o di kaya naman ay sa loob lamang ng malapad na bakuran, ay maari kang gumastos ng halagang Php300,000, ngunit maari pang mas maging mataas ang halaga kung mga high-end material at higher-quality hardwood ang gagamitin sa pagbuo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *