Silipin ang Napakaganda at Nakakrelaks na “Bale Salangi” Isang Tropical-Themed House na May Swimming Pool na may Waterfall Feature at Jacuzzi Area na Matatagpuan sa Angeles, Pampanga

Malapit na naman ang Christmas break, ay marahil marami sa atin na magpapamilya, magbarkada o magkaka-opisina ang nagpaplano na mamasyal, magbakasyon o di kaya naman mag-overnight sa isang lugar kung saan kayo makakapag-enjoy at makakapagrelaks.

Kung kayo ay isa sa mga nagpaplano mag-overnight kasama ang inyong mga kaibigan, pamilya o katrabaho, isama niyo na sa mga pagpipilian niyong destinasyon ang isang nakakarelaks at napakagandang tropical-themed house for rent na matatagpuan sa Angeles, Pampanga ito ay ang Bale Salangi.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Sa YouTube channel na OG, ay ipinasilip ng 36-taong gulang na si Architect Louie Pineda ng Project Nomad PH sa pamamagitan ng isang vlog ang kagandahan ng Bale Salangi, at kung bakit isa ito sa mga paniguradong gugustuhin niyong pasyalan o overnight-an.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Pagpasok pa lamang ni Architect Louie sa gate ng Bale Salangi, ay agad ng bumungad ang pool area nito na may malawater falls na agad ang outdoor shower. Sa otherside naman nito ay makikita naman ang parking area na kayag umukupa ng tatlong sasakyan.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Kaagad namang saslaubong ang napakaaliwalas na living area pagpasok ng mismong Bale Salangi. Agad na hahangaan sa living area ang rattan sofa set nito.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Ayon sa mismong may-ari ng Bale Salangi, ito ay dating lumang bahay na ipina-renovate lang nila para maging moderno at maging isang tropical inhouse. Tunay din na napakaganda ng kitchen area nito, dahil sa pagka-open space nito at ang disenyo at istilo ay tulad ng mga makikitang kitchen sa application na pinterest.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Isang suite room naman ang nasa unang palapag nito na cozy ang vibe at may sariling toilet and bath. Ang kagandahan pa nito ay may sliding door ang suite room na ito na konektado sa swimming pool.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Maliban pa sa suite room ay may napakaganda at maaliwalas na barkada room din ang Bale Salangi, kaya naman talagang perpekto ito para sa mga magbabakarda na gusto at nagpaplanong mag-overnight. Napakaganda ding tumambay sa balcony area ng Bale Salangi na may access sa barkada room.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Pagbabahagi ni Architect Louie ang Bale Salangi ay mayroong kabuuang floor area na 260 sqm, at sa mga magpaplano na magpa-book dito, ay nagre-range umano sila ng Php15,000 hanggang Php18,000 per night.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Sa loob ng bakuran ng Bale Salangi ay mayroon ding Bale Kuna, na halos nasa tabi lang ng Bale Salahi at ipinagawa umano ito para sa mga mag-asawa na gustong magsolo silang dalawa. Tulad ng Bale Salangi ang Bale Cuna ay mayroon ding napaka-cozy na vibe, at kumpleto din ito sa pasilidad tulad ng bathroom area, living area, kitchen at dining area. Isa pa din sa kahanga-hanga sa Bale Cuna ay ang pagkakaroon nito ng high ceiling nito at ang kakaibang disenyo ng hagdan nito patungong silid-tulugan.

Makikita din ang isang Jacuzzi Area para sa mga gustong mag relax at mag unwind.

Photo credits: Only Good Content (OG) Youtube Channel

Ang pagpapagawa ng buong Bale Salangi kasama na ang Bale Cuna ay umabot ng Php10-milyon hanggang Php12-milyon pesos.

Your Next Holiday Home: This Tropical-themed House Is Up for Rent Starting at 15K | Unique Home | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *