Silipin ang Modernong Compact House na ito na may Kulay na Rosas, Mayroong Dalawang Silid-Tulugan at Naipatayo sa Halagang Php800k

Ang kulay ng isang tahanan ay isa sa mga nagbibigay dito ng ganda at dating, kaya naman tunay na nakakaaliw at kaygandang pagmasdan ang mga tahanan na may mga nagagandahang pintura. Katulad na lamang nito ay ang modernong tahanan na ibibida natin ngayon na nakukulayan ng kulay rosas o pink.

Makikita na ang kulay rosas na tahanang ito na may dalawang silid-tulugan ay mayroong modernong disenyon. Masasabi din na ito ay perpekto para sa isang pamilya, dahil sa ang ganitong disenyo at kalaking tahanan ay budget—friendly sapagkat ang pagpapagawa nito ay umabot lamang sa halagang Php800,000.

Sa mga larawan ay masisilayan na ang tahanan na ito ay napipintahan ang kabuuan ng kulay rosas, ngunit ang mga poste nito ay kulay puti at ang bubong naman nito ay nakukulayan ng asul, na bumagay din naman talaga sa kabuuang kulay ng tahanang ito.

Simple man tingnan ang labas ng tahanang ito, ang loob naman nito ay kamamanghaan. Ang tahanan na ito ay mayroong dalawang silid-tulugan, kung saan ang mga ito ay magkaiba ng pinta.

Mapapansin na ang living area ng tahanan na ito ay nakukulayan ang dingding ng berder, samantala kulay asul naman ang isang silid at ang isa namang silid ay kulay pink.

Mapapansin naman ang pagiging compact ng tahanang ito, sa kabila nito ay may sapat na espasyo naman ito para sa sala, kusina at silid-tulugan. Makikita din na sa kabila ng pagkakaiba ng kulay ng dingding ng sala at dalawang silid-tulugan ay parehas naman ang kulay ng floor tiles ng mga ito kung saan ito ay may puting kulay.

Kahit naman simpleng rectangular lamang ang disenyo ng kisame ng tahanang ito, ay nagmistula pa rin itong elegante. Sa kabila din ng pagkakaroon ng iisang banyo ng tahanan na ito, ay masasabi namang sakto lamang ito para sa isang medium-sized na pamilya.

Hindi man ganoon kalaki ang naturang banyo ng tahanang ito, ay nagmukha naman itong malaki at malapad dahil sa white walls nito, at mas gumanda pa itong tingnan dahil sa black paint accent nito sa wall.

Sa mga nangangarap na magkaroon ng simpleng tahanan na tulad nito, ito ay nagkakahalaga lamang ng Php800,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *